CHAPTER 2

52 4 8
                                    

MAYUMIE

*gising yumie...gising magpapalista ka pa Diba? *

Ayan ang paulit ulit sinasabi ng utak ko habang naglalakad papunta ng school sa loob kasi ng dalawang araw na dumaan which is ang Sabado at linggo, grabe ang puyat ko. Puyat sa makagawa ng Science project na hindi ko matapos at puyat sa kakaisip ng Plano. Natapos ko naman kaya masasabi kong I'm proud of myself.

Tinampal - tampal ko na nga ang sarili ko para lang magising ako sa reyalidad kaso waepek! Inaantok pa rin ako, hindi na nga nakapag-almusal dahil late na ako nagising kaya hindi ako nakapasok sa first subject mamaya pa naman ang earth and science na Subject ko kaya may chance ako matulog.

Magpapalista pa pala ako para sa tutoring session mamaya, pero matutulog muna ako tamang tama may nga bench naman dyan sa Tabi - tabi, doon ako mamaya sa may puno na malapit para fresh. Sanaol fresh!. Hindi ko na talaga kaya, inaantok na talaga ako parang Isang ihip na lang ng hangin ay babagsak na ako sa kaantukan e.

Kumaripas na ako ng takbo para humanap ng matutulugan, yung hindi available na bench kaso kung minamalas ka nga naman may mga nakaupo at halos lahat ay okupado na, wala bang mga klase ang mga ito? Kung kailan kailangan ko saka may tao samanatalang nung mga panahong alive na alive ako wala. Ano toh lokohan?!.

Sa inis ko ay pumunta na lang sa likod ng school badtrip e. Akala niyo rooftop noh? Walang ganoon dito likod lang puro pa kalat, maganda sana Yung lugar na iyon king hindi lang binurara ng mga esudyante. Kahit naman ganito ako noh may pakialam ako sa Nature. Sabi nga sa kanta Diba..

We love the earth this is are planet, we love the earth it is our home!!!!!

Kitams! Kaya mahal ko ang Earth, hindi ko nga alam kung tama ba ang lyrics niyan basta alam niyo yung meaning at nakuha niyo ayos na yon.

Nang makarating ako roon ay nahanap muna ako ng Karton na puwede Kong higaan at pagka tapos kinuha ko ang walis tinting at dustpan na malapit sa basurahan, tignan niyo may basurahan naman pala hindi man lang nila itapon dito papahirapan pa ako magwalis.

Nang matapos ay sinimulan ko na ilatag ang aking higaan sa winalisan ko maganda nga ang puwesto na napili ko bukod kasi sa maluwag siya may puno rin na masisilungan kaya ayos na rin, tinignan ko ang oras sa aking bulok na touchscreen, kahit ganito toh mas MATIBAY pa toh sa buhay niyo! Kaya wag kayo ano riyan.

8:45 am, hmmn..10:00 am ang Earth and Science at pagkatapos 12:30 pm ang pagpapalista okay siguro naman ayos na ang tulog ko nun bawing bawi na ako, 1 hour rin yon. Inilagay ko na ang bag ko sa parteng uluhan upang ito ang magsilbi kong unan at itinabi ko naman ang project ko sa kabilang banda yung hindi ko madadagan. Matapos ko maisaayos ang lahat ay nagsimjla na akong matulog hindi rin naman ako nahirapan dahil mga ilang segundo ay kinain na ako ng dilim.

************
*toink! *

Ano ba yon? Kitang natutulog yung tao e!

*

toink*

Punyawa naman talaga oh!

Iminulat ko ang mata ko syempre dahan-dahan para dama, epal itong sumusundot sa aking chubby cheeks. Hindi ko nga alam kung tama ba yung sound effects na ginamit pero...o well hayaan na.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at umupo at pagkatapos tumingin sa paligid, unang part ay ang kanan ang tinignan ko kaso wala pagkatapos naman ay ang kaliwa at doon ko nakita ang salarin. Hindi ko inakala na siya, bakit ba sa lahat ng pagkakataon laging sa nakakahiyang pangyayari kami nagkikita.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now