CHAPTER 20

41 2 0
                                    

MAYUMIE

Exam day!

Maaga akong nagising kasi bawal malate, kapag sinabi kasi kung ano oras start ng exam ganun lang Talaga no extention for you. Makakaexam ka kung maabutan mo pero kung ano Natapos ayun na talaga bawal na magretake. Depende nalang kung absent and may reason.

But for my case kahit ayaw ko pumasok need talaga, saka sayang naman yung itinuro sa akin ni Jungwon ng buong week para rito sa mid terms. And speaking of Jungwon yung nangyari sa study room...

Nuong una naging awkward sa part ko, syempre hindi ko naman ineexpect na may pa ganun ang Jungwon niyo. Saka hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa mga nangyari nung nakaraan.

" Sorry sa magagawa ko...pero hindi ko na talaga kayang pigilan toh"

Kyaahhhhhhhhh!!!!!! O my ghadddddd!!

Ilang gabi akong puyat dahil doon, hindi naman namin masyadong na pag-usapan yung nangyari na yon dahil na rin sa siguro sa paparating na exam. Pero nung time na yon pakiramdam ko same na kami ng feeling sa isat isa. Hindi ko alam itatawag sa sarili ko, na halikan na ng taong gusto pero hindi pa rin naamin.

Yeahh, ' Mayumie' nag-iisang abno!

" Uncle oh, si ate Yumie nababaliw na naman," narinig ko na sabi ni Troy, sinamaan ko ito ng tingin kaso ang loko dinilaan lang ako. Nakalimutan ko sabihin nasa hapag kami ngayon kumakain ng almusal.

Hindi naman ganun kasosyal ano lang pandesal at Milo sa mga matatanda syempre kape. Minsan kapag may pera medyo masarap almusal namin. May pa palaman kaso kasi ngayon tipid tipid muna.

" Hayaan mo na nga yang ate Yumie mo, nanaginip pa yan," dugtong naman ni Tito Ralf, badtrip mang-aasar na naman sila e.

" Hindi ah" ganiyan sila, kung sino mang-aasar dudugtungan ng iba pa naming kasama sa bahay, ako lagi punterya nila.

" Asus, iniisip mo na naman siguro crush mo noh?...sino nga ulit yon? Jumong?" si Tito Chris, yawang Jumong yan sino yon?

" Sinong Jumong? Wala akong kilalang ganun noh," narinig ko na yon dati e, Tama! Yung dating Korean drama na umere sa T. V. Pero ang layo naman sa Jungwon...malayo nga ba? Eh basta hindi!

" Hindi Jumong yon...Julius yon" dagdag na naman ni tito Ralf, mga kapated sila ni mama mga walang asawa. Kung type niyo sige inyo na. Chour may girlfriend si Tito Chris feeling bagets pero si Tito Ralf may anak walang asawa naghiwalay na, huwag na kayo macurious kung bakit.

" Sino naman si Julius?" kung sino-sino na sina-sabi nila, alam talaga na may crush ako lagi ko ba naman bukambibig saka free silang nakakapasok sa kwarto kaya kitang kita nila ang picture ni Jungwon doon ang kaso hindi nila matandaan pangalan ni Jungwon. Kita niyo naman diba? Si Jumong at Julius daw.

" Hindi ba Julius?" nakakunot na tanong ni Tito Ralf.

" Hindi...at hindi rin Jumong okay?"

" E sino si Julius?" natatawang tanong ni Tito Chris.

"Malay ko kay Tito Ralf, kung sino sino sinabi," pumasok si ate Mauwee sa kusina kasama ang Iba pang bata, katulad namin ay magsisipasok na rin ang mga ito.

" Anong pinagusapan niyo?" agad na tanong nito, sinagot naman ni Troy, " Yung crush ni Ate Yumie..."

" Siya na naman? Wala ka na talagang ibang makuwento laging yon," sabi niya habang inaalalayan maupo sila cley.

" Ate hindi ako nag-umpisa, sila Tito yun e," nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at nagtungo sa Sala Para kunin ang bag ko." Alis na po ako!," matapos kong mag-paalam ay lumabas na ako ng bahay, pumunta ako sa bahay nila Melon napag-planuhan na sabay kami ngayon.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon