CHAPTER 5

40 4 2
                                    

MAYUMIE

"Babe naman e..wag mo nga ako utuin"

"Hindi kita inuuto para sa akin ikaw talaga ang maganda"

Punyawa nakakasuka!

"yieeeeee kaya mahal kita e"

Pffft!!!!

"Mas mahal kita babe ko"

"Mas mahal kita"

Nakakabanas naman ang dalawang ito, ang corny parang mga sira e.

"Alam mo ba kung bakit bilog ang Mundo?"

"Bakit? Hihihi "

"Kasi sa'yo Lang tumitibok ang puso ko"

"Mahal talaga"

Potaena!!!! Anong connect nang pagkabilog ng mundo doon?!! Ano bang nakain ng magjowang ito?! Lakas ng tama e.

"Mahal eto pa"

"Ano pa?"

"Baki- TAMA NA!!"

Natigil ang ginagawang kacornihan ng dalawa dahil sa pag sigaw kong iyon, tumingin ako sa paligid at mukhang nakuha ko rin ang atensyon ng iba dahil sa pag sigaw ko...sino ba namang hindi mapapasigaw kung ganiyan ang katabi mo sa bench?! Although magkahiwalay naman ng bench pero MALAPIT pa ren sila.

"Sensya na...yung ka text ko kasi ayaw ako tigilan." palusot ko na lang...kahit ang totoo gusto ko na sila palipatin ng Ibang puwesto e. Tumango yung lalaki at mukhang naintindihan yung sinabi ko, kaso yung babae inirapan ako..aba! Itong pabebeng toh!.

"hmmph, inggit ka lang sa amin e"

Napairap na lang din ako sa hangin kahit narinig ko yon, ayoko munang patulan may pasensya pa ako...saka may hinihintay ako. Napagdesisyunan kasi namin ni Jungwon na this weekend na lang ganapin yung panlilibre ko sa kaniya, ang sabi niya kahit dito na lang daw sa mall...ganda ng mood ko kanina e tapos masisira lang dahil sa mag jowang ito!.

Actually 3:00 pm ang call time, kaso alam niyo na exited masyado mga ala'una pa lang nandito na ako...syempre charing lang mga 2:30 ako nagpunta ano. At Ayan nga alas tres na.

*ting*

May nagtext...aba himala sumasang-ayon ang cellphone ko ngayon ah. Nagpalitan din kami ng number ni Jungwon ko..kinikilig nga ako nung nangyari yon e pero pinipigilan ko lang kasi baka mahalata niya ako. Saka nagpaload talaga ako para sa gala na ito noh.

______________
Jungwon ❤️

Nandito na ko, san
ka banda?
Sent 3:02

Sa may mga benches,
Malapit sa entrance 😊

Ah k see you
Sent 3:02

Okay😊

________________

Yung sa name niya sa contacts ko..wala siyang alam diyan! saka sigurado akong hindi niya rin malalman!. Nandito na daw siya kailangan ko na magayos baka mukha na akong haggard mahirap na baka maturn off yon sakin.

Hindi toh date wag kang assuming!

Panira talaga, tsk pero kahit na noh kakain pa rin kami sa labas ganoon na rin yon. Nagpulbo lang ako ng very very light, Johnson's baby powder pa yan at para sa liptint? Hindi ako gumagamit non..e sa ayoko e madaling nagsusugat ang labi ko kapag gumamit ng kahit anong lipstick kaya hindi ako naglalagay. Saka hindi sa pagma-mayabang pero natural nang mapula ang labi ko.

I'll Tell You Sooner YJW: auOù les histoires vivent. Découvrez maintenant