CHAPTER 16

39 2 0
                                    

MAYUMIE

Ano daw nag-walkout?

" Relax ka lang hindi kita hahalikan may gusto lang ako malaman..." mahinang sabi ni Tristan, dahan-dahan kong ibinukas ang aking mga mata at tumingin sa kaniya ng diretso, medyo nakampante ako roon sa sinabi niyang wala siyang balak na halikan ako.

Ayun na ang last na scene ng play after ng titigan session ay bumaba na ang malaking kurtina, ang susunod naman ay ang ending remarks ng section namin. Hindi ko sigurado pero sana nagustuhan nila ang ginawa namin, I wish na gumana ang mga pinagagagawa ni Tristan.

" Okay humilera na kayong lahat para sa ending remarks," sabi ni Lawrence, naghawak-hawak na kami ng kamay at naghintay sa muling pagtaas ng curtain, nakapressure rin talaga kapag huli kayong mag peperform kasi mas ano ang expectations.

Nang umangat na ang kurtina ay sabay-sabay kaming nag bow, muling nagsalita si Lawrence, " Maraming salamat po sa panonood niyo sa aming play, sana po ay nagustuhan niyo." kung hinahanap niyo kung nasaan si Cindy naku! Wag na! Baka kasama na naman yung Ella or nasa clinic, Ewan sa kaniya.

Habang nagsasalita ang Ibang teachers about sa play namin, tumingin ako sa audience para makita kung totoo nga Yung narinig ko na umalis si Jungwon, bakante na ang upuan nito so ibig sabihin ay totoo nga..pero bakit?? Dumapo ang paningin ko kay Sunoo na kumakaway sa akin at nakangiti kaya bilang ganti ay kumaway rin ako rito, after nun ay nakinig na ako sa sinasabi.

"... Medyo may ilang scenes kayo na hindi naipakita pero nagawa niyo pa rin bigyan ng justice yung kuwento and also for the leads great job hindi ko ineexpect na may pa ganun sa dulo...ikaw Tristan ah may sekreto ka palang tinatago sa pag acting ah," Puri sa kaniya ni Sir, sus! Ako rin naman ah bakit great job lang?" And for you Mayumie, medyo okay naman ang pag acting mo pero sana matuto ka rin kumabisado ng line mas madalas kong nakita ang puro adlib mo, and for those other actors great job din kayo."

Naku sir, kung alam mo lang kung bakit ganun ang performance ko, pero ayos na rin atlis napuri ako na maayos ang pag-arte ko.

" Tignan mo kung hindi dahil sa ginawa ko na yon, edi sana hindi tayo napuri" sabi ni Tristan, hay umariba na naman po siya.

" Oo na, Yabang mo.." Napairap ako sa ere lalo na ng tumawa siya, lakas talaga ng bagyo nito sa katawan.

" Napaka pinkunin mo talaga, joke lang" akmang kukurutin niya ang pisngi ko ng iniiwas ko ito kaagad, ayaw kong hawakan niya yun..hindi ko alam pero ang katawan ko mismo ang umaayaw isang tao lang ang gusto niyang pahintulutan na humawak sa mag pisngi ko.

" Ang sensitive mo naman pakurot lang e," Tiningnan ko ito ng masama, magsasalita na sana ako kaso may nakita akong nasa 40s na babae at lalaki I don't know if they are in the same age basta I think na sa 40s na sila, papalapit sila sa direksyon namin more on kay Tristan sila papunta, sila na ata ang mga magulang ng mokong na ito.

" Tristan" tinawag siya ng babae, medyo natigilan si Tristan at lumingon sa mga magulang, sigurado na ako ito ang mga magulang niya, " Ma...Pa..." ayoko ng maki-chismis pa kaya umalis na ako roon at nag-tungo na sa backstage.

Naalis na rin ng lahat ng props at ang Ibang esudyante ay nagsialisan na rin, kabilang na roon sila Melon mamaya ko na lang kakausapin ang Isang iyon. Nang makarating sa backstage ay nakita ko sila Heeseung, Jay, Sunoo at Jake na kinakausap ang ilan sa mga kaklase ko, Napansin ni Jay na dumating ako kaya pinagtatapik niya ang Iba pa niyang kasama at nag-tungo sa direksyon ko.

" Congratulation sa role play, angas lalo na yung huli," sabi ni Jay ng makalapit sila, talaga bang nakakaamaze ang ginawang yun ni Tristan?

" Oo nga sa sobrang angas nag-se-" bago pa matuloy ni Jake ang sasabihin niya agad na itong natakpan ni Sunoo, " Ah hehe..ang ibig sabihin ni Jake tumawag kasi lola niya kanina kaya nag-seryoso" sabi ni Sunoo at sinamaan ng tingin si Jake.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon