CHAPTER 3

54 3 0
                                    

MAYUMIE

11:30 am

* tic toc tic toc*

11:33 am

Sinasabi ko na nga ba,overtime na naman siya! malapit na mag twelve huhuhu baka mamaya mahuli na ang lahat. Nakapagpasa na kami lahat ng project,ang haba ng discussion niya buong quarter na ata. Hindi ba ito nagugutom? Sabagay ako rin naman hindi cafeteria ang bagsak after ng klase niya.

Tumingin ulit ako sa wall clock na malapit sa black board.

11:45 am

Napatungo na lang ako sa aking desk dahil sa frustration, mahalaga sa akin ang makakuha ng Isang slot sa tutoring session noh. Sabi pa doon hanggang 15 students lang daw ang kukunin, paano pa ako makakabot sa kinseng yon kung mukhang matatagalan pa ito. Kapag ako talaga hindi nakaabot doon hihilingin ko na sana mapanot na talaga si sir!.

*BLAGGGGGG!!!! *

Napatingin agad ako sa parte kung saan biglaang may nalaglag na kung ano o nabagsak more on binagsak. Tama binagsak ni Wang ang upuan niya kaya naka tumba tuloy ito, natigil din si sir sa pagtuturo at lahat ng kaklase namin maging ako ay naktuon kay Suarez. Ano na naman kayang problema nito.

"Mr. Suarez! Hindi mo ba nakikitang nag- kaklase wala ka ba talagang respeto?!"

Nangagalaiti na si sir, pero medyo thankful ako dahil sa ginawa ni Suarez dahil panigurado itutuloy na lang ni sir ang lesson niya. Kaya thumbs up ako sa kabastusan niya ngayon.

" Answer me Mr. Suarez, kung ayaw mong makarating sa mga magulang mo ang ginawa mo ngayon."

"Edi isumbong mo...as if I care." sabi ni Wang at pagkatapos ay kinuha na ang bag nito na nasama sa pagkatumba ng upuan niya, at pagkatapos ay dumiretso na sa may pintuan. Ngunit hindi rin ito nakalabas dahil nagsalita si sir.

"Where do you think your going?! "

"Detention" at tuluyan na nga itong lumabas,Sana naman kami na ang sunod na palabasin .

"Hay, hindi na talaga siya magbabago tsk tsk... Okay class dismiss, bukas na lang natin ipagpatuloy ang lesson."

"Yes! Makakain na rin ako"

"O my ghad...bhie samahan mo ko sa CR"

"Tara na mga Par..Cafeteria na"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko, panigurado mga gutom na sila ako rin naman pero hindi ko muna iindahin ang gutom ko dahil nagmamadali na ako.

Matapos kong maayos ang gamit ko, tumayo na ako at nagtungo na sa may pintuan. Pero hindi pa man ako nakakalayo tinawag naman ako ni sir. Yawa naman tong si ser e.

"Ms. Mapagmahal?"

Dahan - dahan akong humarap sa direksyon nito. Juice colored bakit ba napalakas ng trip ni sir ngayon. Malapit na talaga masira ang araw ko.

"B-bakit po ser?" ganan talaga ako mag pronounced nang 'sir' okay? Okay.

"Lahat ng project ng kaklase mo ilagay mo sa box-" at may kinuha siyang box malaking box na nanggaling sa ilalim ng Mesa, seryoso saan galing yon? Wala naman siyang bitbit na ganan kanina ah.

"P-po? Ako ang gagawa?"

"Oo ikaw nga, may nakikita ka pa bang ibang estudyante?" dahil sa sinabi niya ay nilibot ko talaga ang buong paligid ng classroom at wala akong makita.Umiling ako bilang sagot...kahit ang totoo gusto ko nang mag wala dahil sa inis. Nainisin ko mang tumakbo baka detention ang bagsak at magkita pa kami ni Suarez doon.

I'll Tell You Sooner YJW: auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon