CHAPTER 22

35 3 2
                                    

MAYUMIE

" Jungwon may sasabihin sana ako, kasi..."

Eto na ba talaga? Ready na ba talaga ako? Bakit parang walang lumalabas na salita mula sakin? Hirap pa rin ako sabihin sa kaniya, out of nowhere magsasabi ako ng ganun baka hindi siya maniwala at pagtawanan lang ako.

" Anong sasabihin mo?" sabi niya, habang nakatingin sa akin, nag-dadalawang isip talaga ako kung sasabihin ko sa kaniya. Kaya ko ba?

" A-Ah kasi..- Jungwon!" Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil sa tumawag na yon sa kaniya, may pumara na itim na sasakyan sa gilid namin at pagka-tapos ay ibinaba ng tuluyan ang bintana.

Si Ella.

"Ella, ikaw pala...bakit?" sabi ni Jungwon, nakatahimik lang ako sa tabi niya. It's rude naman to interrupt sa kanila diba? Pero ano naman kaya pakulo ng isang ito.

" I just wanna say na may gagawin tayo diba? Para sa EAPP subject natin.."

" Hmmn, diba na pag-usapan na natin na weekends na lang gawin?"

" Hindi kasi ako puwede sa weekends e, kaya puwede bang ngayon na lang hanggang Friday?"

" Ah kasi may kasama ako," tumingin sa akin si Jungwon na nagaalangan kung sasama ba siya o hindi kay Ella. Grades niya yan hindi ko Puwede pigilan at saka wala akong karapatan para gawin yon.

Tumingin sa akin si Ella," Maiintindihan niya naman siguro, bakit saan ba kayo pupunta?" gusto ko siya irapan sa totoo lang, yung tingin niya kasi parang nang mamaliit e. Kung wala lang si Jungwon dito baka naprangka ko na naman yan.

" Uuwi na sana kami, hindi ko naman siya puwedeng iwanan na lang lalo na ako nag-aya na sabay kami," paliwanag pa ni jungwon parang ayaw niya rin sumama e, hindi ba puwedeng ipagpa-bukas hanggang friday naman sabi niya.

"Edi tawagan niya yung kaibigan niya, si Melon. Tara na kasi Jungwon I need to finish that na," arte pota!

" Kung hindi ka lang anak ng Principal tinakasan na kita e," narinig ko na parang may binulong si Jungwon, kaso di ko na rin inintindi malay ko ba kung ano yon. Saka baka namali lang ako ng dinig.

" Pero kasi...Ella," hinawakan ko sa balikat si Jungwon, baka mamaya mawalan pa siya ng grades e.

" Sige na Jungwon sama ka na sa kaniya, mukhang important," tiningnan niya ako na parang sinasabi nun na bawiin ko ang sinabi ko, hindi nga puwede e. Kahit ayaw niya pipilitin ko pa rin siya.

" Pero pa'no ka? Hindi naman kita puwedeng iwanan mag-isa, after all ako nag-sabi na sabay tayo-"

" Marami pa namang araw na puwede tayong mag-sabay unahin mo muna yung gagawin niyo sa EAPP, grades mo rin yon...sige na," ilang minuto ko pa siyang pinilit at sa wakas pumayag rin naman siya, yawa toh mukhang ayaw magka-grades. Hahanapin ko nalang si Melon mamaya sa school.

" Okay, basta itext mo ko kapag nakauwi ka na ah? Make sure na kasama mo si Melon at hindi ka nagiisa," Hawak niya ako sa magkabilang balikat ko habang nakatingin sa akin ng diretso habang sinasabi ang mga iyon.

" Opo, gagawin ko. Sige na inaantay ka na niya baka naiinip na siya. " nakasimangot na kasi ang mukha ni Ella e. Ano magagawa niya e maski si Jungwon ayaw siya kasama.

Nag-paalam ulit si Jungwon at tuluyan ng sumakay sa kotse nila Ella, nakita ko pa nga na nginisian ako ni Ella e. Yung bang nakakabanas na ngisi sarap hilain ng bibig e.

In the end kasabay ko si Melon umuwi, hinintay ko na lang lumabas sa gate mapapagod pa ako mag-hanap e. Inintay ko siya sa gurad house. Hindi rin naman nagtagal kasi natanaw ko na rin siya kasama si Niki, himala nga e hindi siya nakasimangot or what. Talagang normal lang yung itsura niya. Naisip ko rin habang nag-lalakad kami ni Melon pauwi, hindi pa nga siguro talaga ito ang oras Para umamin sa kaniya.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now