CHAPTER 13

36 2 0
                                    

MAYUMIE

Lumipas ang tatlong araw na sinubukan kong iwasan si Jungwon, ako na mauuna mukhang ganun rin naman gagawin niya e, kaso sa mga araw na yon kung nasaan ako lagi ko rin siya nakikita paano ako iiwas? Saka Isa pa kapag nakikita ako ng mga kaibigan niya lagi akong tinatawag mabilisang kaway na nga lang e tapos takbo na paalis.

Weekend ngayon actually meaning ligtas ako, lagi naman akong nakatungo e o kaya nagmamadaling maglakad kaya hindi ko alam ang itsura ni Jungwon...mukhang naduduwag na naman ako. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko, time check alas diyes na ng umaga tanghali na ako nagising e gumawa ako kagabi ng gagawin naming props para sa role play.

Napagpasyahan ko ng tumayo at magtungo sa banyo para gawin ang kadalasan kong ginagawa, nang matapos ay inayos ko na ang kwarto ko lumabas ako ng matapos..

"Araw ng linis ng banyo mo Yumie, baka mamaya tumakas ka na naman ah," agad na bungad ni mama, kakalabas ko lang e..napakamot na lang ako sa ulo at dumiretso sa kusina para kumain ng almusal, usually hindi naman ako madalas kumain ng kanin e Milo o kaya kape ay ayos na para sakin.

Nagsimula na akong magtimpla kaso walang asukal tiningnan ko na rin yung mga kitchen cabinet kung may stock kaso wala no choice lalabas ako, nilapitan ko si mama para humingi ng pangbili..nasa labas ito at naglalaba.

"Ma, pahingi pambili..asukal" natigil ito sa pagsasampay ng damit at humarap sa akin.
Kumunot ang noo nito, " Bakit wala na bang asukal."

"Kaya nga ako humihingi kasi wala na e," nahampas ako ni mama dahil sa sinabi ko.

"Tadyakan kaya kita dyan nasagot ka pa..kung hindi ka kasi tanghali gumising edi sana may asukal ka pa," hihingi lang ako pambili e bakit ang dami na sinabi? Oo na ako na tanghali gumising pero kahapon pa kaya walang laman container nun wala man lang nagabala bumili.

" Pahinge na.." ibinaba niya sa basket ang damit na kaniya dapat isasampay at pagkatapos ay kumuha ng pera sa wallet niya.

"Oh yung 1/4 segunda lang ah, saka bumili ka na rin ng itlog at sardinas ulam natin mamaya,"

"Akin na lang sukli ah?"

"Tigilan mo wala pa nga akong sweldo e, kung gusto mo pera magtrabaho ka hindi puro cellphone," kung papayagan mo ko kaso ayaw mo rin e...sa totoo lang mabunganga si mama pero alam kong hindi niya naman sinasadya minsan yung sinasabi niya, siguro kasi stress sa trabaho niya..about naman sa cellphone wala naman ako aasahan doon e.

After kasi kaming iwan ni Papa, naaksidente nabunggo ng Isang kotse dahil sa kadahilanang lasing yung nagmamaneho, siya na ang kumayod para sa amin tapos dumagdag pa na nabuntis si ate Mauwee kaya medyo hirap kami nung mga panahong yun kahit gusto ko na tumigil kaso ang sabi ni mama kahit ang pag-aaral ko na lang ang maging ganti ko sa kaniya...ano ba yan bigla ako nag drama maka bili na nga asukal.

" Bibili na ako," tuluyan na akong lumabas nagtungo sa tindahan na pinaka malapit, nang makabili ng kailangan ko ay syempre naglakad na ako pabalik. Natapos ko na rin ang pinapagawa ni mama sa'kin kaya ngayon nababagot.

Dumating ang tanghali ay hindi ko alam kung anong gagawin ko hindi ko naman mapuntahan si Melon dahil may gala daw ang family nila, sanaol. Nakahiga lang ulit ako sa higaan ko nakatingin sa kisame.

bzzt bzzt

Kinuha ko ang cellphone ko sa parteng likod nadaganan ko kasi, saka alam kong cellphone ko yon naramdaman ko nag-vibrate okay? Wala namang Ibang magvavibrate sa kwarto maliban dito unless may kung ano na rito.

Binuksan ko na ito at unang bumungad sa akin ang pangalan ni Jungwon at ang message nito, napabangon ako sa pagkakahiga dahil sa mga message na nabasa ko...

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now