CHAPTER 18

47 4 0
                                    

MAYUMIE

Dumating ang uwian, kasama ko si Melon patungong gate. Nahirapan ako na kumbinsihin siya na sumama kaila Jungwon. Pinilit ko talaga siya kasi naman kung kami lang dalawa wala ring mangyayari kung ano-ano lang ang magagawa namin, Mas marami kuwentuhan kesa sa Review. Kaya Tama lang na kasama namin sila Jungwon.

" Siguraduhin mo lang na may magagawa tayo ah," Nakabusangot ang mukha nito, ayaw niya sa sumama kasi sa malaman kasama daw si Niki, malamang e kaibigan nila yon.

" Oo nga, Saka matatalino yon puwede tayo mag-paturo kung sakali." tanaw ko na sila Jungwon sa gate. May nakita pa akong apat na hindi ko kilala, oh si Daniel? Kasama rin?

"Baka kaya ka pumayag kasi nandoon Jungwon mo," bumaling ako sa kaniya at agad na umapila.

"Hindi ah!..."medyo hininaan ko ang boses ko dahil baka may Ibang makarinig," Hindi ka nagka-kamali." binatukan ako ni Melon dahil sa sinabi, e sa totoo naman yon bukod sa makakapag review ako kasama ko pa ang taong gusto ko, o diba talagang nakaka-inspired mag-aral.

"Sinasabi ko na e, tch! Basta talaga Kay Jungwon hindi ka na maka hindi" kumapit ako sa braso niya at binigyan siya ng aking convincing look, kahit hindi ko alam kung gagana yon.

" Sige na, pinagbigyan kita na mag-aral tayong dalawa eto na yun oh"

Ngumisi siya ng sarcastic, " Oo nga, tayong dalawa at kasama sila." sabay turo sa mga kasama ni Jungwon, hindi ko namalayan nakarating na pala kami.

Si Sunoo ang unang nakapansin sa aming dalawa kumaway ito at mabilis na lumapit sa'min at kumapit sa braso, napansin ko na kumunot ang noo ni Jungwon. Sinundan ko kung saan nakasentro ang tingin niya at kay Sunoo ito more on sa kamay ni Sunoo na nakakapit sa akin.

" Hi Yumie, Hi Yumie's friend! " bati ni Sunoo sa aming dalawa, kumaway si Melon at pagkatapos ay ngumiti.

" Hello, hindi ka naman ganoon ka Energetic noh"

" Ahh hehe, ganun talaga ako..nice to meet you," inilahadz ni Sunoo ang kamay na niya, hindi pa man natatangap ni Melon ang kamay niya ay agad ng humarang si Niki sa gitna.

" Hello, girlfriend ko." ngiting ngiti si Niki na para bang hindi sila nagkita kanina ni Melon, at itong isa naman ang kaninang nakangiting niyang mukha ay bumusangot ulit.

Suminghap si Sunoo at napatakip sa kaniyang bibig, " Siya yung sinasabing mong babae sa panaginip mo, now I know!"
Kumalas ito sa pagkakapit sa akin at pagkatapos ay pumunta sa Iba pa naming kasama.

" Guys, yung girlfriend ni Niki kasama natin!!!" sabay-sabay na lumingon sila Heeseung, Jay, Sunghoon, Daniel at ang apat pa nilang kasama. Wala si Jake? Himala. Hinanap ng mata ko si Jungwon kaso ay wala na ito sa puwesto niya kanina, nasaan naman kaya yon?

Lumingon na ako kaliwa't kanan kaso wala siya, Kaya nagdesisyon ako na pumunta na lang sa direksyon ni Melon. Pag harap ko ay andoon si Jungwon sa likod ko at nakatingin sa akin.

" Yawa Nakakagulat ka naman!" napahawak ako sa dibdib ko, minsan talaga iniisip ko kung normal ba ang taong gusto ko, minsan kabute madalas abnormal.

" Sorry naman..tara na para may maumpisahan na tayo," kinuha nito ang bag ko at isinukbit niya sa balikat niya at pagkatapos ay hinawakan na naman niya ang kamay ko at hinila ako papuntang sa mga kasama niya.

Nagkakagulo sila ng malapitan namin sila, kinakausap kasi nila si Melon, halata na ngang na naiilang na e. Naku! Kapag yan nainis ay uuwi yan kaagad.

"Guys, tigil niyo na yan...tara na sa I-LAND," agad na sabi ni Jungwon. As if on cue sa kaniya natuon ang atensyon ng lahat. Lumapit sa akin si Melon at kumapit sa braso ko at pagkatapos ay bumulong, " Lagot ka talaga sa'kin mamaya."

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now