CHAPTER 15

46 2 0
                                    

MAYUMIE

Ngayong ang araw para sa performance naming buong klase para sa role playing sa subject naming creative writing, ang lahat ng HUMSS strand ay maglalaban-laban sa role playing na'to. Ang section na magiging first place ay exempted na sa test sa CW subject at automatic 90 na ang grades sa card dahil ito ang last performance namin para sa 1st quarter bago magsimula ang midterm.

At ang second at third place naman ay may 88 na grades pero hindi exempted sa test, Kaya lahat talaga kami Aligaga todo na kung todo. Pinag puyatan ko rin ang Ilan sa mga props na gagawin namin dapat talaga Isa ako sa actors na gaganap kaso umayaw ako yawa nakakahiya yon, bahala na sila tutal mga pabida naman bagay sa kanila yon.

Napagpasyahan ng buong klase na gawin main lead si Tristan at ang President ng klase na si Cindy wala naman problema kaya pumayag ang lahat muntikan pa ngang hindi sumali si Wang kung hindi ko lang siya sinigaw - sigawan na may kasamang batok syempre hindi kami papayag na magpatalo sa first section ano kahit pa nandoon si Jungwon, hindi talaga pwede.

Isang buong week namin gagawin toh five ang lahat ng section sa Humss at kami ang pang huli, so Friday ngayon halos lahat ng strand ay puwedeng manood sa auditorium ng skwelahan dahil doon gaganapin ang role play, dahil number one nga sila Jungwon sila ang una ang main lead as expected si Ella na mukhang Ingrown at ang partner niya kahit masakit sa mata at sobrang nakakaselos si Jungwon.

Muntikan na nga ako mag walk out e kaso hindi kami puwede lumabas, qualified na lahat ng HUMSS students ay kailangan manood sa bawat performance ng magiging kalaban namin, ang masasabi ko lang lahat kami ay pare-parehong nag handa kaya mahirap talaga masabi kung sino ang mananalo.

Lord, just this one..panalunin mo kami minsan lang maging exempted sa test.. Please po, kung sakali magiging first time ko magkaroon ng 90 sa card.

Actually nga nung kahapon gusto kong tumawa ng malakas kaso baka pagalitan ako, sa klase kasi nila Melon ang gumanap na main lead ay silang dalawa ni Niki, HAHAHHAHAHA kaya pala ayaw niya sabihin kapag tinatanong ko, kaya ng matapos ay halos hindi na ako makahinga kakatawa, karma na niya siguro yon sa pang iiwan sa'kin sa ere.

" Mayumie, patulong nga rito sa costume na ginawa mo ang hirap isuot e," si Tristan, Isa kasi sa props na ginawa ko ang costume niya, pang prinsepe kasi ang role niya roon.

"Lapit ka dito," sumunod naman siya, dapat lang noh, tumayo na ako sa pagkakaupo at inayos kung saan siya nahihirapan.

( A/N : nasa multi media po yung costume ni Tristan, dalawa po yung nandoon so kayo na bahala mag imagine kung ano mas bagay sa kaniya hshshshshs...thank you)

Nang maayos ko na ang costume niya ay umupo na ulit ako tapos na ako sa mga naka toka sa'kin ang iba ay nag-papahinga na rin so bali ang iniintay na lang talaga namin ang oras ng performance namin medyo maaga pa naman, plano rin ng lahat ang agahan pumasok.

Nakatungo ako kasi medyo kulang ako sa tulog, ipapahinga ko lang ito ng unti. Naramdaman kong may Isang kamay na paulit ulit na tinutuk-tukan yung ulo ko, pero light lang naman siya hindi masakit, kaya lang kulang nga kasi ako sa tulog! At masyadong istorbo kung sino man ito!.

Hinintay ko na ulitin niya ang kaniyang pangba-badtrip sa akin, agad kong hinuli ang kamay nito at tiningnan ng masama kung sino man ang hinayupak na ito.

" Tsansing ka ah.." si Tristan, ang lakas rin talaga ng tama ng Isang ito...mas gusto ko tuloy na lagi siyang tulog kesa yung ganito siya, saka pansin ko lang sa'kin lang siya ganiyan!.

"Mukha mo! Kita mong natutulog e!" sinapak ko ito sa braso dahil sa inis ko, dumaing ito na akala mo talaga sobrang sakit ng ginawa ko. Light nga lang yon e.

I'll Tell You Sooner YJW: auWhere stories live. Discover now