CHAPTER 3

61 1 0
                                    

Ang bilis ng panahon.

It's been 2 weeks simula noong lumuwas ako rito sa maynila.

Hindi ko namalayan na lunes na bukas at simula na ng klase namin sa AU.

Noong nakaraan lang ay magkasama kami ni Krisha para magenroll, at pagkalipas lang din ng isang linggo ay lumabas na ang mga list ng mga Estudyante, And guess what??

Magkaklase kami ni Krisha sa lahat ng subjects! Hindi rin naman kasi nagkakalayo ang grades naming dalawa. Kahit noong Elementary kami, palagi kaming magkasunod o magkasama ni Krisha sa mga ranking. Mas mataas lang talaga minsan ng kaunti ang akin pero halos magkaparehas na rin.

Natuwa naman ako sa balitang 'yon dahil siyempre hindi na ako mahihirapan magadjust sa mga kaklase ko dahil andyan si Krisha para umalalay sa akin. Alam ko namang kilala niya na rin ang ilan do'n dahil nakapagaral na siya do'n ng isang taon.

Pero... nakita ko sa mukha ni Krisha na parang hindi siya gano'n ka gulat noong malaman na magkaklase kami pero agad din namang nawala ang pagtataka kong iyon ng maisip na siguro'y ineexpect na rin talaga niya na magiging magkaklase kami.

We're 2nd year college. Dapat 1st year pa lang lumipat na ako rito sa maynila pero dahil sa kundisyon ni daddy noong mga panahon na iyon, napilitan ako na 'wag na lumuwas, pero ngayong taon, medyo umayos naman na ang lagay niya kaya naman siya na mismo ang nagsabi na lumuwas na ako rito sa maynila at pasukan ko iyong paaralan na gusto kong pasukan.

They are supporting me always. Kahit sila tita Madrid na bagong asawa ni daddy suportado ako, at kahit naman sa side ni mommy, gano'n din ang trato sa akin. Hindi lang ako masyadong close sa kanila kasi nga hindi naman ako masyadong napunta roon.

Tumawag si mommy sa akin noong ilang araw ko rito sa maynila. Kinamusta niya ako at tinanong kung magkano ba ang tuition na babayaran para sa AU. Uminit naman ang mukha ko habang sinasabi sakaniya iyong presyo ng babayaran. Grabe!

Kahit naman alam kong kayang kayang bayaran 'to ng mga magulang ko, hindi ko pa rin maiwasang magalala sa laki. Kaya naman, pinangako ko sa sarili ko na pagbubutihan ko ang pagaaral ko rito. Gaya nalang ng pagaaral ko roon sa province. 

"Meow."

Napatingin ako kay Bella na nasa paanan ko. Gutom na yata ang isang 'to. Kaya naman tumayo na ako at nilagyan ng cat food ang lalagyanan niya.

Ngayong araw ay napagplanuhan namin ni Krisha na bumili ng mga kakailanganin namin sa first day namin bukas. Ewan ko nga at bakit kung kailan isang araw nalang bago ang pasukan, ngayon niya pa naisipan na mamili. Hussle kaya.

"Kung ano iyong mga kukunin mo, dalawahin mo na para sabay na ako. Alam kong ikaw ang mas nakakaalam kung ano iyong mga gamit na dapat bilihin," sabi ko kay Krisha na seryosong namimili ng mga kakailanganin.

"Okey," She nonchantly replied.

After naming mamili ng mga gamit na kakailangin sa school bukas, niyaya na ako ni Krisha na kumain muna kasi hindi pa raw siya nakakapag breakfast.

"Krisha, We almost forgot the uniform," pagpapaala ko kay Krisha ng kailangan naming kunin na uniform sa mananahi.

"We'll get that later, after eating," she said.

Wala ba siya sa mood? Himala hindi siya madaldal ngayon ah.

"Gusto mo sabay na tayo pumasok tomorrow?"

"Bakit? Bata ka ba?" Masungit niyang tanong.

May dalaw ba ang isang 'to? Parang kahapon lang gustong gusto niyang magkasama kaming dalawa. Tapos ngayon parang pinagtatabuyan na ako.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now