CHAPTER 27

33 1 0
                                    

"about.. what you said yesterday?" Medyo nahihiyang tanong ni Clyde.

Pagtapos kong sabihin sa kaniya 'yong nararamdaman ko kahapon, hindi ko alam kung bakit gano'n nalang ang naging reaksyon niya.

Hindi niya ako kinayang kausapin buong araw na 'yon. Pero kitang kita ko sa mukha niya ang saya na may halong pagtataka.

Natatawa na nga lang ako tuwing nakikita kong nangingiti ang namumula niyang mukha.

"What?" I asked plainly. Pinipigilan kong ipakita sa kaniya na natatawa ako sa bawat reaksyon na bininigay niya sa'kin.

Gumalaw ang adams apple niya bago nag angat ng tingin sa'kin. "I'm sorry if I didn't speak any word yesterday. I was just preoccupied about what you said. Can you... repeat it again, Daph?"

Ngumiti ako ng bahagya.

I shooked my head. "Gusto rin kita."

Pumikit siya, para bang dinadamdam 'yong mga salita na narinig niya.

Pero ilang sigundo lang ang lumipas, ngumiti siya habang kinakagat ang pang ibabang labi niya.

"Clyde!" Nagulat kong sabi ng bigla niya akong yakapin. "Anong ginagawa mo?" Tapik kong sabi sa kaniya pag tapos ay hindi ko na napigilan ang pag  tawa.

Parang baliw naman 'tong isang 'to.

Nakahawak lang siya sa likod ng buhok ko, habang ang mukha niya ay nakapahinga sa leeg ko.

"Hoy hindi pa ako sanay sa gan'to. Na awkwardan ako!" Pag saway ko sa kaniya.

Siguro lalo akong ma aawkward kapag may ibang tao sa paligid namin. Baka kinain na ako ng hiya.

"I'm just happy, Dahne," mahinang sagot niya sa gilid ng mga tainga ko.

"Tsss."

Humarap siya sa'kin habang hawak ang mga kamay ko.

Kumunot ang noo ko dahil tinitigan niya lang ako.

"I don't know what's the meaning of your answer... So, I just want to ask if... What are we now?"

Tinaas ko ang kilay ko.

Hindi ko rin alam.

"Tayo na?" 'di ko siguradong sagot sa kaniya.

He chuckled. "I don't know if I'll happy in your answer. It looks like you didn't know that I court you."

Huh?

Nanligaw ba siya?

"Nag tanong ka ba?"

"No. I just assumed. Cause, when I first meet you, I promised that I will court you when I saw you again, but I didn't had a chance to said that you cause I think, no one can stop me from courting you."

Anong when I first meet you pinagsasabi nito?

"Excuse me. You first meet me when I was in a grocery store. I forgot my wallet and you paid my bills. Tanda ko pa nga 'yong presyo no'n, e. 1450 pesos!" Proud kong sabi sa kaniya.

'wag niyang sabihin sa'kin na no'ng makita niya pa lang ako sa grocery store nainlove na ka'gad siya.

Sobrang easy niya naman kung gano'n.

Instead of explaining to me what does he mean, he laughed so hard then kiss my hand.

Para paraan lang yata 'tong isang 'to.

"'wag ka ngang basta basta na halik sa kamay ko. Hindi porke tayo na, pagmamay ari mo na ako!"

Agad siyang sumeryoso dahil sa sinabi ko. Pero kita ko pa rin na medyo natatawa siya.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now