CHAPTER 25

37 1 0
                                    

Sinubukan ko naman.

Nagpakumbaba ako.

Sinubukan kong iligtas 'yong pagkakaibigan na mayro'n kami.

Pag tapos ng paguusap namin no'ng araw na 'yon, akala ko magkikita pa kami sa loob ng room.

Pero lumipas ang ilang oras... Walang Krisha na nagpakita.

Akala ko dahil lang 'yon sa paguusap namin.

Pero tumagal na 'yon ng ilang araw.

Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay.

Tinanong ko ang faculty kung nakausap ba nila, pero ang sabi nila, walang kumausap sa kanila.

Pinlano nilang kausapin si Krisha pero walang nagpakita sa kanila. At noong oras na para tawagan siya, wala ring sumasagot sa tawag.

Sinubukan nilang kausapin ang mga magulang ni Krisha pero kahit ang mga 'yon, hindi sumasagot sa tawag.

Kaya naman... Pinlano ko ngayon na puntahan siya sa bahay nila.

"I'll drive you there," si Clyde habang inaayos 'yong mga notes na ginawa namin.

Kakatapos lang naming mag-aral para sa quiz namin next week.

"Okey," simple kong sagot dahil wala akong gana na makipag talo.

"Stop blaming yourself, okey? Whatever she's encountering right now, that's because of her decisions."

Ilang beses ko ng narinig mula kay Clyde 'yang mga salitang 'yan. Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin maiwasang mag alala at magisip kung ano na ang ginagawa ni Krisha.

If the faculty can't contact her and her family, I feel like there's something going on between them.

Hindi ko masyadong nakilala ang pamilya ni Krisha. Pero tuwing nakikita ko naman 'yong mga 'yon no'ng elementary ako, maayos naman sila.

Well, hindi ko alam... Bata pa ako no'n at kung inosente ako ngayon, siguradong mas inosente ako noon.

"Here we are," paghinto ni Clyde sa sasakyan na tumapat sa isang malaking bahay.

Alam ko na mayaman si Krisha. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung bakit ganito kalaki ang bahay nila.

Malaki rin naman ang bahay namin pero hindi kasing laki ng isang 'to.

Tinanggal ko na ang seat belt na nakayakap sa akin. Inayos ko na rin ang sarili ko bago umambang bababa na sa sasakyan.

"I'll go with you," mabilis din na tinanggal ni Clyde ang seatbelt at binuksan ang pinto.

"No," pag pigil ko sakaniya. Sobra na 'yong pagsama at pagtulong niya sa'kin. Hindi ko na dapat siya dinadamay sa mga problema ko. "Wait me here. I'll just ask if Krisha's here. And if she does, I'll text you if anything happens."

Mukhang hindi sang ayon si Clyde sa sinabi ko noong una. Pero no'ng ngumiti ako para ipakita na kaya ko, agad naman siyang tumango at nanatili sa kinatatayuan niya.

Hindi ko alam kung ano na bang namamagitan sa'ming dalawa. 'Di ko pa alam kung paano isisiksik sa isip ko 'yong amin. Siguro, kailangan ko munang ayusin 'tong amin ni Krisha.

Pinindot ko ang door bell sa gilid ng gate nila para masabi na may tao rito sa labas ng bahay.

Hindi naman nagtagal, may lumabas na sa tingin ko'y katulong nila.

"Sino po sila?" Tanong nito sa'kin.

Ngumiti ako ng bahagya. "Daphne Villamar po," sabi ko bago matigilan. Paano ko ipapakilala ang aarili ko?Sasabihin ko ba na kaibigan pa rin ako ni Krisha? "Kaibigan po ako ni Krisha. Gusto ko pa malaman kung nandito pa siya?" Dugtong ko no'ng hindi ko na maisip kung anong sasabihin.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now