CHAPTER 16

40 1 0
                                    


Lumipas ang ilang araw at napansin ko na medyo bumalik na kami ni Clyde sa dati.

Buti na 'yong ganito. Ayaw kong mag isip ng maraming bagay dahil marami akong ginagawa.

Nahihirapan kasi talaga ako kapag alam ko na hindi maayos sa paligid ko.

"Pakiramdam ko reyna ako ng buong mundo," si Louisa habang kumakain kami sa cafeteria. Wala si Krisha dahil dali dali itong pumunta sa Library para matulog. Kakaiba raw ang antok niya ngayong araw.

"Halata naman," kumento ko sa sinabi ni Louisa.

Kanina niya pa pinagmamalaki sa'kin 'yong boyfriend niya na pinakilala raw siya sa mga magulang nito.

I'm happy for her. Grabe ang saya niya habang kinukwento sa akin ang lahat ng nangyari sa kaniya no'ng weekend.

Akala niya simpleng dinner lang daw 'yon. Pero nang sabihin ng mga magulang no'ng lalaki, hindi niya na raw alam kung ano 'yong mga sunod na mga nangyari dahil hindi na siya nakagalaw sa kinauupuan niya.

"Alam mo 'yong pakiramdam na parang nanaginip ka? Tapos 'yon yung panaginip na gugustuhin mong ulit ulitin," pagdagdag niya habang tumitili. "Siguro nabalik lang 'yong ulirat ko no'ng hinalikan na ako ni Raz sa kotse."

Agad kong tinakpan ang mga tainga ko. Ito ang palagi niyang sinasabi sa akin kapag nagkwekwento siya tungkol sa boyfriend niya.

Hindi ko alam kung sinasadiya niya ba o hindi niya lang talaga kaya na sarilihin ang lahat ng bagay.

Kahit na hindi naman na dapat ibahagi, naikukwento niya.

"Medyo masakip pa nga rin 'yong leeg ko, e. Tignan mo nga, daph. Anong nangyari?" Tanong niya habang tinatagilid ang ulo niya upang maipakita sa akin ang leeg niya.

Tiningnan ko naman ang mga ito... At nang mapagtanto ko kung ano 'yon, agad kong tinakpan ang leeg niya ng uniform na suot niya.

"It's hickey!" Gulantang kong sabi.

Nakakahiya!

"What? Seryoso ka ba?" Tanong niya uli.

I rolled my eyes. Masyado kasing maharot, e.

"Pinakilala ka lang sa magulang Louisa. Hindi ka pinakasalan. Baka sa susunod iba na ang kinukwento mo d'yan!" Pagpapaalala ko sa kaniya.

Wala pang isag buwan simula no'ng malaman ko na may boyfriend na siya.

Parang ang bilis ng mga pangyayari.

"Sure," aniya sabay kindat sa akin. "Hindi kita makakalimutan 'no. Para naman may panglaban ka d'yan kay Clyde."

Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Kumain ka na nga d'yan. 'Huwag ka ng magsalita ng kung ano ano."

Humagalpak siya ng tawa. "Don't say me, hindi pa siya nakakascore sa'yo?"

Tumingin ako sa mga mata niya. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Kung ano man 'yang score na sinasabi mo, negative pa sa negative ang sagot d'yan."

"Grabe ka naman sa kaniya, daph," sabi ni Louisa bago hampasin ang braso ko. "Laki na ng pinagbago nung tao wala ka pa ring nararamdaman?"

Hindi ako sumagot.

"H'wag ka ng mag maangmaangan d'yan. Alam ko na palagi kayong magkasama. Hindi lang kayo nagpapansinan sa room," she said pouting.

My eyes widened.

How did she know?

"Suki ako ng parking lot Ms. Daphne Reign Villamar," sabi niya ng mapansin ang pagawang ng labi ko.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now