CHAPTER 24

36 1 0
                                    

Hindi ko alam kung kailan tumigil sa pagtibok ang puso ko no'ng araw na 'yon.

Nakatunganga lang ako at nakatingin sa mga mata niya.

Bakit hindi niya muna pinatapos 'tong pinagdadaanan ko?

Hindi ko na malaman kung ano 'yong uunahing isipin ko.

"Let's go," sabi niya habang hawak niya 'yong back pack niya.

Ngayon ang balik namin para sa klase. Bumalik na rin kami sa dati.

Pupunta siya rito tuwing umaga para kamustahin si Bella at Rocky.

Pero.... hindi ko alam kung si Bella at Rocky lang ba talaga ang dahilan.

Nararamdaman ko naman na darating ang araw na 'to.

Ramdam ko na may kakaiba sa mga galaw niya pero hindi ko naisip na noong araw na 'yon niya pa talaga sasabihin sa'kin.

"No. Mag bo-book nalang ako ng grab. Salamat," kinuha ko ang bag ko at uunahan na sana siya sa paglabas ng condo.

Habang naglalakad ako papunta sa pinto, kita ko ang mga tingin niya sa'kin.

Ayaw ko lang na tumingin din sa kaniya dahil pakiramdam ko ang awkward no'n.

"Do you feel awkward? You're acting weird since that day," sinundan niya ang paglalakad ko.

Tumawa ako ng bahagya. Plastik lang ang mga 'yon at alam kong mapapansin niya 'yon.

Hindi ko lang talaga alam kung paano ko dadalhin 'tong paguusap na 'to.

"Are you crazy?" Pagmamaangmaangan ko. "Dapat kumain ka muna ng agahan."

Akala ko'y tatawa siya kahit kaunti dahil gano'n naman ang palagi niyang ginagawa noong mga panahon na binabara ko siya.

"I'm not expecting any answer from what I said. I just wanted to tell it to you. I know that those are in bad timing but I can't hold it anymore, daph." Paglapit niya sa akin. Habang ako, dahan dahan akong nag lakad.

Ayon na nga 'yong problema. Hindi ako sumagot ng kahit na ano kaya pakiramdam ko ang bastos ko sa part na 'yon.

Alam ko rin naman na hindi naman siya nanghihingi ng sagot galing sa'kin.

Pero.... Alam ko rin kasing may kung ano akong nararamdaman para sa kaniya.

Hindi ko lang sigurado at hindi ko alam kung tama ba. Kailangan ko pa yata ng oras.

Pero... Ang awkward kasi!

"Yes, I know," sabi ko nang makasakay na kami sa elevator. "Let's not talk about that at this moment. I'm thinking a lot of things this past few days. I'm sorry."

"Yes of course," agad niyang sagot. "You don't need to feel sorry about it."

Kita ko ang biglang pagaalala sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Kaya naman nanahimik nalang siya hanaggang sa makababa kami.

Kung dati, sobrang ingay namin dahil puro kami bangayan, ngayon, para na kaming kinakain ng katahimikan dahil hindi namin alam kung paano sisimulan ang paguusap.

"Please wait for me. I'll just gonna get my car at the parking," tumakbo siya palayo sa akin papunta sa parking area.

Ang kulit.

Bago ko pa siya pigilan at sabihin na magbo-book na nga lang ako, nakaalis at nakalayo na siya sa'kin.

Ganito naman siya simula pa noon pero dahil sa mga sinabi niya saakin no'ng nakaraang araw, parang nalalagyan ko na tuloy ng dahilan ang bawat galaw niya.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now