CHAPTER 44

17 1 0
                                    

Medyo mahirap pa rin sa'kin ang araw-araw na wala si Clyde.

May mga gabi na hindi ko napipigilan ang sarili ko na umiyak at tawagan ang numero niya. Pero...siguro'y hindi na iyon ang ginagamit niya dahil nasa ibang bansa na siya.

Sinubukan ko ring kontakin siya gamit ang ilang social media accounts pero lahat 'yon ay naka deactivate na.

Masaya naman na siguro sila.

Ako lang talaga ang hindi pa nakakausad.

Sa ilang buwan ko sa patuloy na pag aaral, buti nalang at wala akong naibagsak. Wala akong hindi naipasa.
Siguro'y dahil na rin iyon sa pagiging busy ko sa pag aaral kapag nakakaramdam ako ng pagkamiss kay Clyde.

Bumalik na rin ako sa coffee shop. Noong hindi ko kasi magawa ang mga dapat kong gawin dahil naghiwalay kami ni Clyde at umuwi ako ng probinsya, nag leave lang ako no'n ng dalawang linggo lang. Pero hindi nagtagal, humaba ng humaba ang hindi ko pag pasok.

Buti na nga lang at mabait 'yong boss namin at pinayagan pa rin ako na bumalik.

"Hindi ko talaga alam bakit gano'n ang nangyari." Pagmamaktol sa'kin ni Mitch. Napansin kasi niya na wala ng sumusundo sa'kin kaya kinukulit niya ako.

Nakalipas na ang ilang linggo simula no'ng sabihin ko sa kaniya na hiwalay na kami ni Clyde pero hanggang ngayon kinukulit niya pa rin ako kung ano ang rason ng hiwalayan.

Hindi ko kasi sinasabi sa iba kung ano ang rason. Ayaw ko lang na may idagdag pa na mga katanungan.

I bitterly smiled at Mitch. "Gano'n talaga. May mga tao talaga na hindi talaga tinadhana para sa isa't isa."

"Pero puwede naman ipilit kapag ayaw."

"Puwede pero depende."

"Ano ba kasing rason? Baka mababaw lang. Ako na mag aayos."

Tumawa ako. "Mag trabaho ka na nga. Sige ka isusumbong kita."

"Ang damot!" She said while rolling her eyes.

"Chismosa!"

She pouted and do her work. Gustuhin ko man na sabihin sa kaniya, parang mas maganda nalang talaga na 'wag na. Makulit ang isang 'to.

Ilang buwan pa ang lumpas, unti unti ko nang napapansin na nagiging maayos na ako. Nakakatulog na ako ng mahimbing tuwing gabi at nakakangiti na ako kapag tumitingin ako sa kama.

Totoo ngang kailangan lang talaga ng oras at panahon para maghilom ang lahat.

Gaya ng dati, ako pa rin ang nanguna sa klase namin kaya naman tuwang tuwa ko 'yong binalita kila Daddy at Mommy.

Pinilit din ako na isali ni Aide sa Foundation Day Pageant na nangyari sa AU at kapartener ko ro'n si Paul. Noong una'y kinakabahan ako pero noong sabihin na kami ang nanalo, halos malaglag ang mata ko sa gulat.

I didn't expect that to happened.

"Congratulations!!" Sigaw sa'kin ni Louisa noong nasa back stage na kami. "Ang galing mo talaga kapag question and answer!" Pamumuri niya.

"Salamat." Simple kong sagot. Hindi pa rin nagsisink in sa'kin na nanalo kami.

Kahit kailan, hindi ko naranasan ang sumali sa kahit na anong pageant dahil bukod sa payat ako takot din ako na makipaghalubilo sa ibang tao kaya naman taka talaga ako sa pagka panalo ko ngayon.

"Nako! Kung hindi kita pinilit siguro mabibigay lang ang panalo sa hindi maman deserving!" Ani Louisa.

I arched my brow and tap her hand. "Manahimik ka nga! Baka may makarinig sa'yo."

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now