CHAPTER 12

44 1 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo at gano'n na nga ang nangyari sa set up namin ni Clyde.

Pupunta siya sa condo ko tuwing umaga para ireview siya sa mga natutunan niya. May mga pagkakataon na nakakalimutan ko ang tamang sagot at siya pa ang nagtatama sa'kin.

Hindi lang sa kaniya beneficial itong ginagawa namin. Natututo rin ako sa mga pinagaaralan namin.

Pagkalipas naman ng isang oras na pag i-stay niya sa condo ko ay umaalis na siya para pumasok sa AU. Minsan sumasabay ako sa kaniya kapag sinabi niya na wala pa ro'n ang mga kaibigan niya.

Nag iingat din talaga ako bago bumababa sa sasakyan niya dahil baka may makakita sa'kin. Luckily, hindi pa naman nagsasalita si Louisa so it means, safe pa ako.

Ewan ko nga kung bakit nagtatago ako. Wala namang masama sa ginagawa ko. Wala lang, I just feel so guilty kapag may nakakakita sa amin na mag kasama.

Kaya naman tuwing nagkakasalubong kami ni Clyde sa loob ng classroom grabe talaga ang pag iwas ko.

Buti nalang at hindi naman nangungulit si Clyde tuwing ginagawa ko 'yon. Gets naman na ata niya.

May mga pagkakataon na pinupuntahan niya ako sa coffee shop. Sabi niya trip niya lang daw na puntahan ako dahil wala raw siyang ginagawa. Nag-aaral lang siya ro'n hanggang sa matapos ang shift ko. Sumasabay naman siya sa pag punta sa condo ko dahil namimiss niya raw sila Rocky.

Ewan ko ba sa isang 'to. Alam naman niya na allergy siya sa mga hayop ayaw pa rin tumigil sa kakalingkis kila Rocky at Bella.

May mga time naman na rito na siya nakakatulog sa condo ko. Pagod na raw kasi siya kaya sa tingin niya hindi na niya kakayanin na mag drive pa. Pinapabayaan ko nalang siya at binibigyan ng mahihigaan sa couch.

Maaga akong pumasok ngayong araw. Tinext ko na rin si Clyde na huwag ng dumaan sa condo dahil maaga akong umalis.

Kailangan kong magreview dahil may recitation kami mamaya.

Nag review na kami ni Clyde kagabi pero gusto ko pa rin ma make sure na naaalala ko lahat.

Clyde:
Sana sinabay mo nalang ako. Magre-review rin ako sa Library.

I rolled my eyes because of Clyde's reply.

Alam naman niya na hindi ako kumportable na nakikita kami sa loob ng AU. Atsaka gusto ko rin na mapagisa ngayon.

"Good morning," Pag bati ko kay Krisha na masarap na natutulog sa classroom namin.

Inangat niya ang ulo niya para makita kung sino ang kumakausap sa kaniya.
"Morning," pag bati niya pabalik sabay yuko uli para matulog. Mukhang antok pa rin siya as usual.

Sa ilang buwan namin dito sa AU, mas madalas ko pang makita si Krisha na nakaharap sa desk niya imbis sa libro para mag review.

" 'di ba may recitation tayo today?" Pag tanong ko uli kay Krisha.

"I don't know," pag sagot niya nang hindi iginagalaw ang kaniyang ulo.

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi niya alam na may recitation ngayon!

"Oy! May recitation tayo! Tinatanong lang kita para malaman kung alam mo ba dahil mukhang ang sarap ng tulog mo," pag yugyog ko sa kaniya.

Kahit na gano pa siya ka antok ngayong araw, kailangan niyang gumising para mag review. Ayaw kong masigawan ni prof. Mamaya.

"Okey," tanging sagot niya sa'kin pabalik.

I groaned.

"Bahala ka na nga. Kung hindi ka makasagot mamaya sa tingin ko hindi ka naman babagsak agad. Ang tataas naman ng score mo palagi sa mga quizes."

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now