Kabanata 61

1 1 0
                                    

"umorder muna tayo?" Tanong niya sa akin nang makahanap na kami ng mauupuan.

Magkaharap kami ngayong dalawa. Medyo malayo at hindi agad makikita ng mga taong napasok itong lamesa na pinuwestuhan ko. Ayaw ko kasing maistorbo kung ano man ang pag uusapan namin para tapos na 'to.

"Ikaw ang bahala. Tubig lang ang akin. Hindi naman tayo mag tatagal."

He clenched his jaw and ordered something, at ilang minuto ang lumipas, ang tubig na inaasahan ko ay iba't ibang putahe ang inihanda.

Hindi naman ako gutom dahil sa emosyon na nararamdaman ko. Kahit kahapon ay buong mag hapon akong hindi kumain, hindi ko pa rin naramdaman ang gutom dahil okupado ako ng mga nangyari.

Isang cheesecake, blueberry cake at strawberry nang nasa harapan ko. Mayro'n ding kape at tubig na siyang pinagtakahan ko.

"Nag tanong ka pa. Hindi naman pala masusunod," pabulong kong sabi.

Ano ba kasing purpose ng pag tatanong niya kanina 'di ba?

"Okey, mag simula ka na." Pamumutol ko sa sasabihin niya sana. Alam kong sagot lang din iyon ng pambabara ko at sa tingin ko, matatagalan pa kami rito kung ilalaan namin ang oras sa sagutan.

"Can we eat first?" Medyo iritado ang tono ng boses niya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay dahil do'n. "Hindi ako pumunta rito para kumain. Sinabi ko ngang tubig lang ang akin, e. Ikaw lang itong nag order ng sandamak mak na cake. Kung gusto mo sana kumain, edi dapat kumain ka muna bago mo ako kinita."

Ito na.

Kakasabi ko lang na ayaw kong makipagsagutan, ito na naman kami.

He sighed. "Okey, I'll start. Please calm yourself down," he said, finally giving in.

Buti naman. Dahil kung wala sa amin ang magpapatalo, matatapos lang talaga 'tong araw na ito ng wala kaming matinong paguusap na nagawa.

"I'll start this on the days before our break up." Pagsisimula niya. Ibinaba ko lang ang tingin ko at hindi tinignan ang paninitig niya. Makikinig lang naman ako rito 'di ba? "When you met my parents, they are disappointed to me. Especially my mom. I know that you didn't know about this because at first, I thought this is just a joke but... my parents don't want me to have a serious relationship because they said that I am bound to marry someone once I graduated."

Ano 'to? Fixed marriage?

Hindi ko alam na mayro'n pa ring gano'n sa panahon ngayon.

At kung hindi ako nag kakamali, ginawa iyon ng mga magulang niya para sa kumpaniya na mayro'n sila. O baka naman... hindi lang talaga nila ako gusto at si Drixy ang gusto nila para sa anak nila.

Medyo gulat ako sa mga sinabi niya pero imbis na ipakita iyon, hinawakan ko ajg tinidor at sinimulang laruin ang cake na nasa harap. Hindi ako kumibo o nag bigay ng opinyon sa mga sinasabi niya.

"Mom thought at that decision because our company that moment is starting to fall. I know that Drixy's family is also have a business but I didn't know that they know my family as well. When they knew about our problem, they offered my parents to help us." dugtong niya. "Hindi ko alam, Daph. Wala akong alam. I think 3 months after I met you, they start to bug me about that. Palagi nilang sinasabi na malapit na ang kasal na inihanda nila para sa akin, at.. noong mga panahon na iyon, hindi ko alam na mahuhulog ako sa'yo."

I clean my throat. He's words are trying to convince me to trust and believe him. I hate this feeling but... maybe this is the reason why I can't hate him.

"The day that I brought you to our home, that day is the day that they tend to talk to me about the wedding that will going happen after I graduated. Gusto na nilang pag handaan ang kasal dahil gusto nilang maging maganda iyon at malaman ng buong business industry. Kilala ang pamilya nila Drixy sa ganitong industriya at kahit na pigilan ko ang mga magulang ko, nabulag na sila sa kagustuhan nilang maisalba ang kumpaniya." Onti onti ng nanghihina ang boses niya. Parang sa bawat salita na sinasambit niya, tinutusok no'n ang puso niya. "They are shock when I bring you there with me and I hate them because of that. They didn't respect you as my girlfriend and not even as a person. I hated them for being a cruel parents. They didn't asked me about what I want. They didn't asked me if that is okey with me."

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now