CHAPTER 10

51 1 0
                                    

Noong kinahapunan, nagpaaalam ako kay Clyde na matutulog na muna ako sa couch. Mag-aral lang siya at gisingin nalang niya ako kung may tanong siya.

Sinabi ko rin na huwag niyang masyadong ipush ang sarili niya sa pagaaral kung napapagod na iyong utak niya. Pwede naman siyang magpahinga. Huwag lang susuko.

Ngunit sa kalagitnaan ng masarap kong pagkakatulog, nakaramdam ako ng kung ano sa pisngi ko. Kaya naman agad kong naimulat iyong mga mata ko.

Agad na napakunot ang noo ko nang maabutan ko ang mukha ni Clyde na malapit sa mukha ko.

Lumayo ako ng mabilis.

"What are you doing?" Taka kong tanong. Nakita ko naman sa mukha niya ang pagkagulat sa mga nangyari.

"Gi-gisingin sa-na kita..." Nauutal niyang sambit.

"Bakit nakalapit iyong mga mukha mo?"

"Tinitignan ko lang kung tulog na tulog ka ba. Para sana hindi na kita gisingin kung masarap ang tulog mo," pagpapaliwanag niya.

Kinalma ko ang sarili ko dahil sa pagpapaliwanag niya.

Sana lang ay gano'n talaga ang dahilan niya.

"Okey. Ano ba iyong itatanong mo?" Paglapit ko sa puwesto niya para tignan iyong bagay kung saan siya nalilito.

"Dito sana sa biology. Pero gets ko na pala."

Huh? Gets na niya kaagad? 'e wala pa nga siyang tinatanong sa akin. Weird.

Pagkatapos ng mga nangyari kanina mas ginusto ko nalang na gumising at samahan si Clyde mag aral.

Habang seryoso akong nagbabasa nakita ng mga mata ko na nakatingin siya kila rocky at bella. Nasa malayo ang mga ito dahil wala siyang facemask sa oras na ito.

"Do you want a break?" Kuryoso kong tanong sa kaniya.

Baka nababaliw na siya sa kakaaral. Mas mahalaga ang mental health kaysa rito.

Napatingin siya saakin. "No! Lumipad lang iyong isip ko no'ng narinig ko si rocky."

I just nooded.

"Why don't you visit a doctor? Para makakuha ka ng gamot para sa allergy mo. Kung sa gan'on, makalapit ka na sa kanila kahit walang facemask."

Ang hussle rin kasi talaga nitong kalagayan niya. Sa tuwing lalapit nalang siya kila Rocky at Bella, kakailanganin niya pa na mag suot ng facemask. Mainit din ang isang 'yon kaya hindi komportable kapag susuotin.

"Yes. Next week."

I shrugged. Next week naman pala.

"How can you do this?" Tanong ni Clyde pagkalipas ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

"Ang alin?" I said, scowling.

Lumapit ako sa kaniya para makita 'yong papel na binabasa niya. Baka mayro'n siyang hindi maintindihan.

Gusto ko itong nagtatanong siya. It makes me feel na interisado talaga siya na malaman ang mga bagay bagay.

"It's not about this," aniya habang mabilis na inilayo iyong mga papel na hawak niya saakin.

My lips parted. What does it mean?

Lumayo ako sa kaniya dahil nakita kong nakatingin siya ng seryoso sa mga mata ko.

"I want to ask... how can you manage to do all of this? You are the one who are working. You are taking care of our cats. You cook. You're outstanding in class and now you are helping me to do all of this."

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now