CHAPTER 41

18 1 0
                                    

Lumipas uli ang isang linggo na gano'n ang ginagawa ni Clyde. Minsan ay nababaliw nalang ako at hinahayaan siya na umalis. Para naman kasing hindi siya mapigilan.

Mas dumami rin ang mga pagkakataon na hindi niya na ako nasusundo at naihahatid sa coffee shop kaya mas lalo akong nababahala.

Hindi ganito si Clyde.

Minsan nga'y iniisip ko na baka ako ang problema. Palagi ko kasi siyang tinutulak noon na makipagkita sa mga kaibigan niya. At ngayong ginagawa naman niya ang gusto ko, nagkakaganito ako.

"Alis ka uli?" Tanong ko. Weekend ngayon. Dati rati lang ay gustong gusto niyang magkasama kami palagi tuwing weekend.

Tumango si Clyde at binigyan ako ng isang patak ng halik sa noo. "This is just quick. I'll be home early."

"Mag grocery sana tayo."

Tumango siya. "Okey, baby. We'll do that tomorrow."

Pinagsaklop ko ang mga kamay ko. "Puwede bang iyang pupuntahan mo nalang ang ipagpabukas mo tapos ngayon nalang tayo mag grocery?"

Napahinto si Clyde dahil sa sinabi ko. Tiningnan niya ang mga mata ko na parang nakikiusap.

"Ah-h okey. Sige bukas nalang 'yong grocery." Pag kalas ko sa kaninang sinabi ko.

Ayaw kong pilitin siya. Baka mas mahalaga talaga itong mga lakad niya.

Niyakap niya ako ng mahigpit bago iyon unti unting kalasin.

"Kasama niyo ba si Waylon?" Tanong ko.

"Ahmm.. Yah, Waylon, Nate and Miguel."

Tumango ako. Hinayaan ko siyang makaalis. Naiwan akong mag isa sa condo.

Dahil sa mga bumabagabag na hindi maintindihang damdamin, hindi ko na napansin na tinawagan ko ang numero ni Louisa.

"Hey! Wazzup?" Bungad niya.

Huminga ako ng malalim bago alamin ang totoo. "Alam mo ba kung nasa'n si Waylon?"

Kung nasa'n man sila ngayon, gusto kong puntahan. Gusto kong alamin kung anong ginagawa nila at bakit parang hindi na normal.

"Si Waylon?" Taka niyang tanong. "Kasama ko siya ngayon. Nasa coffee shop kami."

Ang mga salitang iyon ni Louisa ay parang echo na umulit ulit sa'kin.

I fixed myself before saying another word. "Hindi ba siya aalis?"

I noticed the wonder in her voice. "No." Sagot niya. "May pupuntahan kami pag tapos nito, e. Bakit? Parang curious ka sa mga ginagawa namin, ah!"

Bahagya akong nagbigay ng pekeng tawa.

"Huwag kang mag-alala. Good girl ako!" Sigaw niya. Narinig ko sa kabilang linya ang pagtatanong ni Waylon kung sino ang kausap ni Louisa. "Si Daphne 'to."

Totoo nga. Magkasama si Louisa at Waylon.

Sino ang kasama ni Clyde kung gano'n?

Tinapos ko na ang tawag at mabilis akong pumunta ng kusina para kumuha ng tubig.

Gusto kong ikwento kay Louisa ang mga nangyari pero ayaw kong sirain ang araw nila ni Waylon.

Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin kaya naman nang maisip kong si Miguel naman ang tawagan. Nagmadali ang mga daliri ko.

Gusto kong malaman kung totoo ba ang mga sinasabi ni Clyde. Pero, may parte sa'kin na natatakot. Paano kung totoo ang mga hinala ko? Paano kung talaga ngang nagsisinungaling si Clyde? Anong gagawin ko? Paano ako haharap sa kaniya?

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now