CHAPTER 18

40 1 0
                                    

"Daph! Here!" Sigaw ni Louisa sa gitna ng maraming tao sa Cafeteria.

Nauna na pala siyang pumunta rito.

"Thanks," sabi ko sa kaniya nang tuluyan na akong makalapit at makaupo sa harap niya.

"Buti nalang at nalusutan ko sila Drixy," aniya habang tumatawa.

Si Drixy 'yong isa sa iba niyang mga kaibigan na sinasamahan niya tuwing hindi kami nagkakasama sa cafeteria.

Sinabi na rin sa akin ni Krisha na hindi niya raw gano'n ka gusto ang grupo nila Drixy dahil sa paraan ng mga ito kung paano kami i-approach noong pinakilala sila sa'min ni Louisa.

"Niyayaya na naman akong mag cutting ng mga 'yon. e.. nakasalubong ko si Raz no'ng nakaraan. Nalaman niya na nagcutting ako. Ayon, hindi ako pinansin ng malala," napapailing iling niyang sinabi.

Palagi kong napapansin 'yong pagcacutting niya. Kahit si Krisha hindi siya pinapansin kapag nalalalaman na nagcutting siya. Ako nalang ang nagdudugtong sa kanilang dalawa dahil ayaw kong magkaro'n ng dead moment sa pagitan naming tatlo.

"Bakit kasi sumasama ka pa rin, kung ayaw mo naman pala?" seryoso kong tanong.

"Alam mo naman 'yon si Drixy. Hindi titigil 'yon hangga't hindi nakukuha ang gusto niya... Pinagbibigyan ko nalang. Para tapos na," she nonchantly said. "At... Wala namang mali sa ginagawa ko, ah. Kapag nagcucutting ako, tinatanggap ko kung ano ang mangyayari sa grades ko. Hindi katulad ng ibang mga estudyante na gagamit pa ng red note para lang maging matalino sa paningin ng iba."

Agad na nagtikom ang mga bunganga ko.

Naalala ko nanaman kung ano nga ba 'yong kailangan kong itanong sa kaniya.

"Stay here, okey? I'll just order us food."

Agad akong tumango.

I think, I also need time to think how will I going to ask this to her.

Pero agad namang bumalik si Louisa dala ang mga pagkain na binili niya.

"Hindi ko pa natatry 'tong strawberry cake nila kaya bumili ako. Did you already try this?" Tanong niya sa'kin habang inaabot ang isang slice.

Umiling ako bilang sagot.

"Saan ba nag aaral si Raz?" Tanong ko sa kaniya. Kailangan ko munang pagaanin ang usapan namin. I just feel like it is not conclusive to ask her immediately about it.

"Why?" She asked. Halata kaagad ang pamumula ng pisngi niya.

Ganiyan ba talaga ang pakiramdam?

I shrugged. "I'm just curious."

"Sa Adams, 'yong school d'yan sa malapit," ahe said while chuckling. "Kung nagtataka ka kung paano kami nagkakilala, 'wag mo ng tanungin. Alam kong hindi mo magugustuhan ang sagot."

I groaned. I know what that mean.

"May red note rin ba na nababalita ro'n sa kanila?" Tanong ko.

Baka naman sa ibang school talaga nanggaling 'yong red note na 'yon kaya hindi mahuli rito sa loob ng AU kung sino ang may pakana.

She looked at me.

I thought she will asked me why did I asked her about that red note out of a sudden, but when she placed her hands to her chin, I knew that she is thinking.

"Ahmm... Napagkwentuhan na namin 'yan ni Raz, e," sabi niya habang patuloy na nagiisip ng sagot. "But I already forgot what's his answer. Nakakabaliw naman kasing kasama 'yong isang 'yon. Parang wala akong na aalala sa mga sinabi niya dahil 'yong mga ginagawa lang namin ang naaalala ko."

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now