Kabanata 52

5 1 0
                                    

"late ka na naman," Iritadong baling ni Louisa sa kakarating lang na si Mitch.

"May trabaho kasi siya. Intindihin mo nalang Lou," sabi ko kay Louisa.

Mangha nga ako kay Mitch dahil kahit na halatang halata na bugbog na siya sa trabaho, pinipilit niya pa rin na bumawi sa amin at pumunta pa rin kaysa sa mag pahinga na lang.

Hindi pa kasi nakakaranas ng pagtratrabaho 'tong si Louisa kaya hindi pa nararanasan nitong mapagod.

"Nakakamiss naman kasi si Mitch. Siya lang ang kasagutan ko kapag inuman."

"Kapag mag iinuman, 'wag isali si Daphne. Hindi niyo siya katulad. 'tsaka bakit mo pa hinila sa gitna iyong tao? Hindi na nga 'yan makalakad ng maayos." Sunod sunod na pangsesermon ni Paul. Noong nakaraang linggo ay pinagalitan na niya kami pero hindi pa rin maalis sa sarili niya ang lahat ng nangyari. "Nagkataon pa na ex niya ang nakapulot sa kaniya sa dinami rami ng tao rito."

Medyo may pagkamangha sa mukha ni Mitch. Hindi niya yata inaasahan ang mga narinig. Bukod kasi sa pinatawag siya sa kumpaniya nila noong gabing iyon, hindi rin namin nakuwento sa kaniya ang mga nangyari.

"Hindi ka ba maka move-on? Tapos na po 'yon sir. Hindi na mauulit. Pasensya na po." Pekeng pag hingi ng tawad ni Louisa.

I saw Paul tsked beside me. Alam kong kahit na anong paliwanag sa kaniya hindi pa rin ito makakampante.

"Starting today, you'll be here beside me all the time we will go here." Ani Paul.

Gulat ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman kailangan na gano'n. Hindi niya ako responsable at saka alam ko na ang dapat kong gawin sa susunod dahil natuto na ako sa mga nangyari noong nakaraan.

Baka kung sino pa ang makapulot sa'kin kapag naulit muli iyon. Mahirap na.

"Hindi na kailangan. Hindi na talaga ako iinom ng mga hard liquor," Mahinhin kong sabi kay Paul.

"Even so. You'll be here."

"Paul.."

"Daph. This is also for you. Paano kung hindi kita naabutan do'n sa sasakyan noong Clyde na 'yon? Paano kung nadala ka na niya sa ibang lugar? Do you think I'll be cool?"

I sighed. Paul really protect me always. He always treat me like these that's why a lot of people misunderstood his actions and treatment in me. Kahit naman ako ay napapansin iyon pero alam ko sa sarili ko na kung gano'n nga talaga ang nararamdaman niya, I can't give it back to him. Hindi ko alam kung bakit ganoon pero... I only just see him as my brother. Wala naman siyang sinasabi sa'kin pero if ever na totoo nga, alam kong maiintindihan niya ako.

"Sir.. andito rin po kami. Yoho!" Pang aasar ni Mitch.

Paul shifted his weight because of that. He hold me on my waist and slowly, he push me toward him.

This makes me feel uncomfortable but I understand that Paul just really want to do what he said earlier which is to be on his side all through out this night out.

"Oy Mitch! Andito ka na pala," bati ni Anthony. Galing ang isang 'to sa iba't bibang lamesa. Ngayon lang nakabalik sa amin.

"Oo. May nabudol ka na ba?"

"Wala nga, e." Natatawang sabi ni Anthony.

Nag tawanan din kami dahil do'n. Bihira lang talaga makabingwit itong si Anthony dahil ang iba'y iniisip na pigtritripan lang sila ni Anthony pero ang totoo, mabait na kaibigan din si Anthony. Isa rin siya sa mga nag papagaan ng lugar namin kapag medyo mabigat na. Personality na siguro talaga niya iyon.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now