CHAPTER 38

19 1 0
                                    

Kahapon binigay ang mga grades na natamo namin sa exam. Sobrang saya namin ni Clyde dahil parehas kaming pasado. Dinagdagan pa ni Louisa na nakapasa rin kahit na hirap na hirap.

"Congrats, baby," halik sa'kin ni Clyde.

"I can't imagine myself having grades like this if you're not with me. You're the reason of-"

Agad kong pinutol ang sinasabi niya. "No!" Hindi pagsangayon ko. "Ang sipag mo na kaya mag aral. Dati, noong naging magkagrupo tayo, halos tumunganga ka nalang sa kisame at bintana dahil sa katamaran mo."

Tumawa siya. "Naalala mo pa pala 'yon? Sino ba namang sisipagin kung wala naman akong naiintindihan?"

"Kaya nga. Pero, ngayon alam mo na. Ikaw na nga minsan nagtuturo ng ibang terms na hindi ko maintindihan, e. "

He shrugged before giving me a smirk.

"Ang yabang!" Pag tawa ko.

"Nahihiya naman ako sa pinakamataas sa klase." Pambabawi niya.

Ako kasi uli ang nangunguna sa klase namin. Sana nga'y magtuloy tuloy ito hanggang sa mag fourth year kami, e.

"Manahimik ka nga! Planuhin nalang natin 'yong pag uwi natin sa amin."

Ngayong nalalapit na ang summer break, tuloy na tuloy na talaga ang pag punta namin sa probinsya. Noong nakaraan pa ako kinukulit ni papa, e.

"Let's go to our place later."

Nanlaki ang mga mata ko. "Sa bahay niyo?"

Tumango siya. Hindi man lang ako sinabihan. Ngayon pa talaga? Dapat kahapon niya pa sinabi para makabili manlang ako ng mga puwede kong ibigay sa mga magulang niya.

"Magpaaalam na muna ako gaya ng gusto mo, then sasabihan ko na rin 'yong mga kasambahay namin na kuhaan na ako ng mga gamit para ayon na ang dadalhin ko papunta sa inyo."

Mabilis na bumuo ng pagtataka at pagaalala ang mukha ko. "Wala akong dala? Daan muna tayo mamaya sa kung anong tindahan para may maibigay manlang ako. Nakakahiya!"

He laughed. "You Don't need to."

"Dadaan tayo sa flower shop. Ayon nalang!"

Sa una'y ayaw na talaga akong pagdalhin ng kahit ano ni Clyde pero dahil sa pamimilit ko, pumayag na rin.

Kahit pamimili nga ng susuotin sobrang problemado ako. Hindi ko alam kung anong damit ang makakapagbigay sa akin ng good impression. Ito ang unang pagkikita namin dahil sa palagi silang nasa labas ng bansa. At tuwing umuuwi naman sila rito, palaging wrong timing dahil may problema sa kumpanya nila. Ayaw ko munang dumagdag sa isipin nila noong mga panahon na 'yon.

Pero ngayon na sa tingin ko'y tamang panahon na, sana naman maging maayos.

"Good evening, Sir Hendrix," pag bati ng kasambahay na na nakasalubong namin.

Ang laki ng bahay nila. Higit pa ang mga ito sa inaasahan ko. Alam kong mayaman sila pero hindi ko akalain na sa isang maliit na pamilya, sa ganito kalaking bahay sila nakatira.

Kaya rin siguro ayaw ni Clyde na rito mamalagi ng matagal. Dahil sa sobrang laki nito, nakakalungkot kapag mag isa ka lang.

Pag bukas ng malaki nilang pinto, ang family picture nila ang bumugad. Picture nila ito noong bata pa si Clyde. Naalala ko tuloy 'yong batang umiiyak sa park.

Sa lawak ng bahay nila, sa tingin ko'y kaya ko pang gumawa ng panibagong bahay sa loob nito.

Malaki rin ang bahay namin sa probinsya pero hindi talaga iyon kagaya nito. Ang kanilang mga muwebles na sobrang kintab, mga kagamitan na sigurado akong mga mamahalin at kulay na saktong sakto sa awra ng kanilang pamilya, lahat ng iyon nagpapakita kung gaano sila kayaman.

Nakakahiya tuloy na dalhin ko si Clyde amin.

"Where's mom and dad?" Tanong ni Clyde sa kasambahay.

Agad naman itong sumagot. "Nasa garden po, sir. Inaantay ka po nila."

Tumango naman si Clyde at nagpasalamat doon. Ang kanina'y nakahawak sa'king kamay ay nasa baywang ko na ngayon.

Ang sabi ni Clyde, bagay daw talaga saakin ang dress kaya naman iyon ang sinuot ko ngayon. Sana lang talaga tama siya. Ang bilis ko kasing mauto pag siya ang nagsasabi, e.

Napansin ko ang panginginig ng isa kong kamay kung saan ko hawak ang mga rosas na dala ko para sa nanay niya nang makita ko na ang mga ito sa isang lamesa sa garden nila. Mukha silang may seryosong pinaguusapan.

"Hendrix!" Pag tawag ng papa niya sa pangalan niya nang makita na kami nitong papalapit sa kanila.

Iyong kaninang mahinang pagnginig ng kamay ko ay lumipat na sa tuhod ko dahil lumipat na ang paningin nila sa akin.

Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Buti nalang at nag salita na si Clyde. "Mom.. Dad. This is Daphne. She's my girlfriend," pagpapakilala niya sa akin. "She's the one I'm talking about. The one who helped me get out of the hell."

Agad kong binigyan ng matatalim na tingin si Clyde. Masyado niya akong pinupuri sa harap ng mga magulang niya. Sana naman 'wag niyang ipakita na baliw na baliw siya sa'kin dahil baka isipin ng mga magulang niya ginayuma ko siya. Gaya na lang ng mga iniisip ng ibang mga estudyante sa AU.

"Magandang gabi po." Tumungo ako para mag bigay galang. "It's nice to meet you po. Ahmm.. I have roses for you, ma'am." Pag abot ko ng rosas na dala ko.

Kita ko ang pag taas ng kilay ng nanay ni Clyde. Hindi ko alam kung dahil saan ang pag taas ng kilay niya. Pero sana, dahil iyon sa gulat na may dala ako para sa kaniya.

Pinipilit kong isipin na wala lang ang mga iyon dahil hindi pa naman kami nakakaupo. Sana bigyan niya muna ako ng pagkakataon na makilala.

"Umupo muna kayo." Tinuro ng tatay ni Clyde ang upuan na nasa harap nila. Mukha yatang naramdaman niya ang katahimikan.

Naka pormal na suot ang tatay ni Clyde habang ang nanay niya naman ay nakapulang dress. Ang kaputian ng nanay niya ay bagay na bagay sa kulay ng damit niya. Dinagdagan pa ng sobrang pulang lipstick at nakapusod na tali ng buhok. Maaliwalas ang mukha nito. Sa tingin ko'y dito nag mana ang ilan sa mga mayro'n si Clyde.

Ang tatay naman niya, ang bait tignan. Palagi itong nakangiti at parang ang hinahon. Ang ugali naman yata ni Clyde ang namana niya rito sa tatay niya.

"Clyde, ang sinabi ko, uuwi kami rito dahil may kailangan kaming sabihin sa'yo. Hindi mo naman kami sinabihan na may kasama ka pala," may diin na sabi ng nanay niya bago ako tingnan.

Kitang kita ko ang medyo matalim nitong mga tingin. Lumunok ako ng sarili kong laway at sa tingin ko'y napansin ni Clyde ang pagka balisa ko dahil dahan dahan iyang hinawakan niya ang binti ko. Ngumiti na lang ako sa kaniya at nagtiwala.

"I'm sorry mom. May sasabihin din kasi ako at may ibabalita na rin," malunanay na sabi ni Clyde.

Nagsimulang humawak ng baso ang nanay niya para uminom ng kaunti roon. Kasabay no'n ang pag taas niya ng tingin kay Clyde. "Sabihin mo na "

"I passed all my subjects," maligayang sabi ni Clyde. Kanina niya pa sinasabi sa'kin na excited siyang sabihin ito sa mga magulang niya dahil palagi raw mabababa ang

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now