Kabanata 53

5 1 0
                                    

Noong unang araw na nadatnan ko si Clyde na may kasamang babae rito sa loob ng resto, pumasok ako sa loob ng kusina para tumulong nalang kay Rolly sa pag luluto. Hindi ko na inabala ang sarili ko sa pag tingin at pag isip ng mga bagay bagay dahil hindi iyon tama at hindi iyon maganda.

Today, nandito uli siya. Buti nalang at hindi niya ako nakita ng pumasok siya sa loob.

Sa pagkakataong ito, mag isa lang siya at walang kasama. He solo ate his breakfast earlier and now that it's already afternoon, he ordered again for his lunch.

'wag niyang sabihin na pati hapunan dito niya gagawin?

Kawawa naman ang isang 'to. Parang walang asawang nag aalaga.

"Ma'am Daph, kanina pa po kayo silip ng silip diyan, ah." Rinig kong boses sa likod ko.

Muntik na akong mapasigaw sa gulat dahil kay Carla.

Teka? Bakit nga ba kasi ako sumisilip sa kaniya?

"Tinitignan ko lang kung marami pa bang parating na costumers kasi magluluto sana ako ng marami." Pagsisinungaling ko bago dahan dahang naglakad papasok sa kusina.

"Ano ba, Daphne? Kumakain lang 'yong tao rito. 'wag mong bibigyan ng kung anong dahilan iyon." Pag kausap ko sa sarili.

Kung mag ayos nalang kaya ako para sa pag kikita namin nila Louisa mamaya?

Oo tama.

Tutal magkikita naman kami nila Louisa mamaya, do'n ko nalang ilalaan ang oras at atensyon ko.

Nag simula ko ng kunin ang mga gamit ko at nag paalam kay Rolly. Sa likod ako dumaan papunta sa parking dahil alam kong makikita ako ni Clyde kung sa main door ako lalabas.

Minsan ay iniisip ko kung bakit ba ako natatakot na magpakita sa kaniya? Wala naman akong dapat ikahiya. Resto ko 'to at hindi ko naman kailangang mag tago.

Pero.. tuwing naalala ko iyong pag halik niya sa akin noong nasa sasakyan kami, sa tingin ko tama lang itong ginagawa ko.

Malandi pa rin siya hanggang ngayon. Pinag palit niya nga ako rati kay Drixy tapos ngayong naanakan niya na iyong babae, babalik siya sa akin? Nahihibang na ba siya? Gagawin niya akong kabit?

Mabilis akong nakarating sa condo ko kaya agad akong dumiretso sa closet para makahanap ng maisusuot mamaya.

Napili ko iyong tattered pants at white puff cropped top.

Wala ako sa mood magpasexy at mag dress ngayon. Parang gusto ko lang talaga libangin ang sarili ko kasama ang mga kaibigan ko.

Nag hahanap na ako ng mapapartner kong sapatosnng biglang narinig ko ang tunog ng cellphone ko.

BAR PLANS:
Mitch: Sorry guys, I don't know if I can come. Ang dami na talaga ng pinapagawa.

BAR PLANS:
Anthony: May ka bebe time ako ngayon. Next time nalang din ako. Minsan lang ako makaranas ng ganito. Thank you for underestimating.

BAR PLANS:
Mitch: understanding*

BAR PLANS:
Anthony: Perfectionism

BAR PLANS:
Paul: I'll be late.

BAR PLANS:
Louisa: Cancel nalang natin :(((

BAR PLANS:
Mitch: I'm sorry Lou Lou.

BAR PLANS:
Daphne: I'll go @Louisa.

May kutob na akong makacancel itong lakad namin na ito dahil sa pag uusap nila kagabi na marami ngang ginagawa si Mitch ngayon. Pero dahil sa kagustuhan kong malibang, kahit kami lang dalawa ni Louisa ang nasa bar sasama pa rin ako.

Until Our Path Cross AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon