Kabanata 57

8 1 0
                                    

Noong sabihin sa akin ng veterinarian na bumubuti na ang lagay ni Bella'y nakapasok na ako ng mas madalas sa resto. Bumibisita ako ro'n tuwing mayro'n akong oras para kamustahin sila at para na rin ipaalala ang nalalapit na kasal ng anak ni tita Luz.

Gaya ng palaging nangyayari, palaging napunta si Clyde rito sa resto at dito kumakain. Madalas ay may mga kasama siyang tao pero pero minsan ay siya lang talaga ang nandito.

Kapag nagkakasalubong ang mga mata nami'y ngumingiti siya sa akin kaya naman binabalik ko sa kaniya ang mga iyon. Hindi naman ata masaya 'yong pag ngiti sa kaniya. Bukod sa ginawa niya sa akin noong nakaraang araw, costumer pa rin namin siya kaya dapat siyang tratuhin ng tama.

"Ma'am, may problema po," nagaalalang sambit ni Sunny sa akin. Kita ko ang mga butil ng pawis sa noo niya kaya naman medyo nabahala ako kung ano 'yong problema na sinasabi niya.

I calmed myself down because I know panicking won't help me. "What is it?" Tanong ko noong medyo kumalma na ako.

Today is the wedding day. Papunta na kami sa wedding reception at alam kong handa na ang lahat inaantay na lang namin ang sasakyan kaya naman hindi ko alam kung ano ang problema.

"Kasi ma'am 'yong sasakyan daw po baka hindi makarating. May aksidente pong nangyari at mahihirapan daw pong makarating sa tamang oras." Sunny's voice shaking.

I am also shocked about the news but I need to think some solution for this. Masasayang ang oras ko kung dadamayan ko si Sunny na nagpapanick sa tabi ko.

"Can you please calm down?" Tanong ko sa kaniya ng nagpapabalik balik siua sa pag lalakad sa harap ko.

Sunny is the one that I trust when it comes to this. Para ko na siyang kanang kamay kung tawagin.

"What's wrong?" Rinig ko mula sa likod ko.

Agad kong hinarap iyon at inilingan. "Wala, Clyde." Mabilis kong banggit. "What can we do for you? May oorderin ka ba? You can ask Dan for it."

Akala ko'y babalingan niya ako pero ang tingin niya ay na kay Sunny na hanggang ngayon ay nag aalala pa rin.

Clyde widened his eye as a sign for Sunny to say what's the problem so I furtively move towards her place to calm her down but on my way to do it, Sunny opened her mouth and speak.

"Kasi sir, 'yong sasakyan na gagamitin namin papunta ro'n sa kasal, nagkaproblema. Ilang minuto nalang po ay magsisimula na ang after party."

Tumango si Clyde at walang ano-anong nag prisinta. "Then, let's go? It's nice that I used my pick up today."

Agad akong umiling.

No.

Nakakahiya.

"Salamat sa offer mo, pasensya ka na sa abala. Kami na ang bahala rito. Balik ka na sa lamesa mo, ipapatawag ko nalang si Dan para asikasuhin ka."

Agad na binangga ni Sunny ang braso ko dahil sa sinabi ko. "Ma'am bakit mo pa tinanggihan?" Bulong niya sa akin.

"Don't take this personally, Daph. I just really want to help."

Alam kong ramdam niya na apektado pa rin ako. Pero 'wag naman siya masiyadong feeling diyan.

"I will ask for help on my friends. Don't think too much, costumer ka dito kaya hindi ka dapat sumasali sa amin."

Lumayo ako at pumunta sa counter. Inisip ko ang pag tawag sa mga kaibigan ko para manghingi ng tulong.

"Hi Lou. Are you okey?" Pag bati ko kay Louisa.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now