CHAPTER 40

17 1 0
                                    

"Don't forget the adobo, huh?" Nakayakap si Clyde ngayon sa akin mula sa aking likuran.

Birthday ngayon ni Bella at nirerequest na naman niya ang paborito niyang adobo.

"Sure, mister,"sagot ko sa kaniya.

Parang sa tuwing may okasyon kami, hindi nawawala ang adobo.

"You really look like a wife here, daph." Pangaasar niya sa'kin.

Tumawa ako. "Ayos lang basta asawa mo."

Ang kaninang nakangiti niyang mga labi, onti onting nawala.

"Just kidding. We're not ready yet! Don't be pressure by Daddy. He's just longing for a kid."

Tumawa siya at hinigpitan ang yakap sa'kin. "I badly want to build a family with you, daph." Bulong niya.

Nag patuloy lang ako sa ginagawa ko at hinayaan ko siyang iskisik ang ulo niya sa aking leeg.

"Ako rin naman." Pag ngiti ko kahit na hindi naman ako sigurado kung nakikita niya ito. "Soon, magkakaroon tayo ng pamilya and I promise to our children to gave them what they want. We will listen to them and we will respect their every reasons. Okey?"

Naramdaman mo ang pagtango niya. "I want that also."

Humarap ako sa kaniya at tiningnan ang mga mata niya. Parang may kung ano akong pagod na nakikita roon.

Napapagod na ba siya sa'kin?

"I love you, Clyde."

Tumingin siya sa aking mga mata. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko dahil ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumagot. "I love you more, Daph."

Ngumiti siya ng mapait bago umalis sa harap ko at pumasok sa kuwarto.

"Magpalit ka na kasi gusto kong mag picture tayo nila Bella at Rocky!" Sigaw ko sa kaniya.

Napansin ko kasi na sa tagal namin, wala man lang kaming pormal na picture kasama ang mga pusa. Matagal na rin simula no'ng nag post ako sa social media ko kaya maganda yatang ideya ang magkaro'n kami ng picture.

Nang matapos na ang mga niluto ko, kinuha ko na ang cake na inorder ko. Carrot cake ang isang 'to at puwedeng puwede siya sa mga cats kaya naman ito ang binili ko. Ito lang ata ang makakain nila, e.

Gusto ko sanang imbitahan si Louisa kaso parang naisip ko na mas gusto kong kasama si Clyde ngayon.

Hindi nagtagal, Nahahawa na ako sa kaniya! Masyadong clingy!

"Let's blow!" Sigaw ko pag tapos naming kantahan si Bella. Kaming dalawa na lang ni Clyde ang nag blow no'n dahil hindi naman iyon kakayanin ng pusa.

"Let's take a picture," sabi ko habang nilalapag ang cellphone ko sa harap namin. Tinimer ko lang iyon dahil hinayaan ko siyang ilapag.

Mabilis lang ang pag pipicture na nangyari sa'min. "Ang cute!" Sabi ko kay Clyde bago ipakita sa kaniya ang picture.

"Bella looks happy." Aniya bago ituro ang mukha ni Bella sa picture. "While, Rocky seems irritated."

Tumawa ako. Medyo blurry ang pagkakakuha ng picture ni Rocky dahil hindi niya guso ang manatili sa isang pose. Makulit!

Habang nag hahanda si Clyde ng mga kakainin namin, nagsimula na akong magpost ng mga picture namin sa social media ko.

Onti lang naman ang mga makakakita nito kung ako lang ang mag popost dahil kaunti lang naman ang mga friends ko. Pero dahil itatag ko si Clyde, baka mas marami ang makakita.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now