CHAPTER 23

38 1 0
                                    

Pag balik ko ng condo, nakita ko kaagad si Clyde sa reception. Nakaupo siya do'n habang may kung anong katawagan sa phone niya.

Hindi ko alam kung pa'no ko siya kakauspain ngayon.

Pinagbintangan ko siya.

Hindi ko man lang inisip na makinig sa rason niya.

Hindi ko alam kung ano pa 'yong mukhang ihaharap sa kaniya, pero alam ko na kailangan kong humingi ng tawad. Masasakit na salita ang nabitawan ko.

Para siyang tanga kakaisip kung bakit ko siya piangsalitaan ng gano'n.

Nang magtama ang paningin namin, agad siyang lumapit.

"Are you okey?" Tanong niya. "I-m sorry. You're not okey, I'm sure," agad niyang bawi sa tanong niya nang panansin na hindi ako kumikibo.

Gusto kong ibuka ang bibig ko. Gusto kong humingi ng tawad pero may kung anong pumipigil sa'kin.

Hindi ko pa rin siguro matanggap 'yong mga nalaman ko.

Si Krisha.

Kaibigan ko siya.

Kakaisip ng mga pangyayari, hindi ko na napansin ang biglang pagtulo ng luha ko.

Agad na nanlabo ang paningin ko.

"Let's go to your room first. You need to rest, Daph," sabi ni Clyde bago hawakan ang magkabilang braso ko.

Sumunod na lang din ako sa mga paa niya.

Patuloy lang siya pag alalay sa magkabilang braso ko hanggang makarating kami sa kuwarto ko.

"I'll just feed Rocky and Bella. You can rest in your room."

Umupo ako sa couch.

Tumingin lang ako sa kaniya.

Ginawa niya 'yong sinabi niya. Pinakain niya si Bella at Rocky. Nakalimutan ko pala silang pakainin kanina bago ako umalis. Nasobrahan yata ako kakaisip kanina sa kung anong malalaman ko pag punta ko ng AU.

Akala ko naman pag balik ko rito sa condo, dala ko na ang liwanag sa isip ko.

Pero imbis na maintindihan kung ano 'yong mga nangyari, mas lalong gumulo ang isip ko dahil sa taong gumawa no'n sa'kin.

"I'm sorry," pagsasalita ko no'ng tuluyan ko ng mabuka ang mga bibig ko.

Kailangan ko na 'tong unti untiin.

Hindi puwede na magmukmok lang ako sa isang tabi kakaisip. Kailangan kong gumalaw.

Bumaling ang atensyon ni Clyde sa'kin nang marinig na niya akong magsalita.

"Pasensya na sa lahat ng nasabi ko," pagsasalita kong muli. Mukha yatang hindi niya naintindihan 'yong una kong sinabi dahil tinitigan niya lang ako.

Unti unti siyang lumapit sa'kin. Umupo siya sa harap ko. "I know that what you knew wasn't easy to digest. I just want to tell you that I understand what you did. You don't need to feel sorry. You're just a victim here, daph."

Agad akong tumango.

Oo biktima ako.

Pero bakit parang ang hirap sa'kin na lumaban?

Bakit ginagamit ko 'yong mga masasayang alala namin ni Krisha para pigilan ang sarili ko na labanan siya?

Hindi ko kaya...

Kaya kong tanggapin 'yong mga masasakit na salita.

Pero kahit kailan ayaw kong makita 'yong taong mahal kong danasin 'tong nararamdaman ko.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now