CHAPTER 34

19 1 0
                                    

"Naiinis talaga ako, daph," pagrereklamong sabi ni Louisa sa akin.

Umalis kasi si Raz dahil hinahanap na daw siya ng mga kagrupo niya. Sinasabi ko naman kay Louisa na maayos naman ang rason ni Raz kaya wala na siyang dapat ipag alala pero patuloy pa rin ang pagkulot ng mukha at pagtulis ng mga labi niya.

"Kailangan mo siyang maintindihan. Hindi naman puwede na palagi siyang nandiyan para sa'yo dahil may sariling buhay din ang isang 'yon." Muli kong pagpapaliwanag sa kaniya.

"Almost one week na simula noong magkita kami. Ngayon nalang uli kami magkakaroon ng oras sa isa't isa." She pouted her lips more. "Hindi naman siya madalas nagrereply sa mga text ko kaya naman hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko."

Kitang kita ko ang pagtatampo at pagkadismaya sa mukha ni Louisa. Pero.. sa tingin ko'y siya talaga ang kailangan umintindi sa kanilang dalawa dahil siya ang wala masiyadong iniintindi. Si Raz, graduating na siya kaya kailangan niya na magfocus ng mas maayos sa pag aaral niya.

"Hindi ko na alam, daph." She sigh. "Parang hindi ko na siya nararamdaman. Palagi nalang ako nagooverthink."

Nauunawaan ko naman siya sa mga hinanaing niya. Pero, gustuhin ko man na samahan pa siya sa pagkainis niya, naramdaman ko na kaagad ang kamay ni Clyde na pumulupot sa baywang ko.

"Andito ka lang pala." He said beside me.

"Guys hali na kayo!" Pag tawag sa amin ni Aide.

Gabi na ngayon at kakatapos lang nila sa pag gawa ng bonfire. Kanina pa nila kami tinatawag pero dahil nakita ko ang awra ng mukha ni Louisa, hindi ko muna inisip ang mga tawag na iyon.

"Let's go!" Hinawakan ko ang pala pulsuhan ni Louisa. "You need to enjoy this. 'wag mo munang isipin si Clyde. Pumunta tayo rito para makapagpahinga."

Patuloy pa rin sa paghawak sa baywang ko si Clyde samantalang ang kamay ko naman ay humihila kay Louisa.

"Bro! Kanina pa kayo inaantay. Buti nalang at hindi pa nagsisimula," ani ni Nate.

Pag irap lang ang isinagot ni Clyde.

Umupo kami sa tabi nila. Medyo excited ako sa mga laro na gagawin namin dahil sabi nila spin the bottle raw iyon. Pero, sa kabilang banda, ang mga katabi ko ay mukhang hindi natutuwa sa mga nangyayari.

Si Louisa ang nasa kanan ko. Nakabusangot pa rin ang mukha at parang gusto nalang umuwi dahil wala na si Raz.

Si Clyde naman ang nasa kaliwa ko. Kita ko sa mga mata niya ang dilim at hindi maintindihang galit. Nakatingin ang mga iyon sa nasa tapat naming si Paul.

Alam ko kung bakit ganito ang reaksyon ni Clyde. Pero imbis na pabayaan siya, hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon.

"Stop staring at him." Pag saway ko. "I'm here," pag ngiti ko.

Kahit papaano, gusto kong ipakita kay Clyde na wala siyang dapat na ipagalala. Gano'n kasi ang ginawa sa'kin ni Leon noon. Binaliw niya ako kakaisip sa mga bagay bagay.

"I'm sorry, I can't help it." Hinalikan niya ang mga kamay naming magkasaklop.

Buti nalang at may kaniya kaniyang mga buhay ang mga taong nakapalibot saamin. Sa tingin ko'y hindi naman nila nakikita ang paglalandian na ginagawa namin ni Clyde.

"Kumpleto na! Let's go, start na tayo!" Patiling sabi ni Aide. Kanina pa kasi kaming nagaanatay sa ibang mga wala pa kaya naman ngayong sa wakas ay nakumpleto na kami, naghiyawan ang iba naming kasama sa bilog na ito.

"Sinong mag iispin, Aid?" Tanong ni Anthony na isa naming kaklase.

"Sige ako nalang," pagrerepresenta na sabi ni Aide.

Until Our Path Cross AgainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt