CHAPTER 43

18 1 0
                                    

Gaya nga ng sabi ko, sobrang nakatulong talaga ang pagiistay ko rito.

Minsan nadudulas pa rin si Daddy sa mga sinasabi niya dahil nababanggit niya pa rin si Clyde pero agad naman siyang humihingi ng tawad.

Tinatawanan ko lang siya at sinasabi na ayos lang 'yon. Masyado lang talaga sigurong naattatch si Daddy kay Clyde. Masyado kasi akong maraming kinukwentong mga papuri ko kay Clyde sa kaniya.

Hindi ko sinabi kay Daddy na babae ang naging dahilan ng hiwalayan namin ni Clyde. Ayaw ko kasing madungisan ang pangalan ni Clyde sa tatay ko. Sinabi ko lang na ang rason ng hiwalayan namin ni Clyde ay ang hindi pagkakaintindihan.

Naikwento tuloy sa'kin ni Daddy na gano'n din sila ni Mommy noon. Kahit anong pilit nilang ayusin ang relasyon nila, hindi na talaga nila maintindihan.

Siguro... Mas maganda rin talaga na ganito ang nangyari sa'min ni Clyde. Baka hindi lang talaga siya gano'n kasaya sa'kin kaya mas ginusto niya ang iba. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil may mga pagkakataon talaga na hindi ko rin gusto ang sarili ko.

Pero kahit na gano'n.. hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magalit sa kaniya. Parang may kung ano pa rin sa puso ko ang gustong hawakan at alagaan siya.

Pero... 'wag nalang.

Inenjoy ko ang isang linggong bakasyon ko rito. Dinalaw ko rin si Mommy at binalita sa kaniya na ako ang nanguna sa klase namin ngayong year. Pare parehas naman silang masaya dahil sa mga natanggap ko.

Namasyal din ako kasama ang mga kapatid ko. Pinuntahan namin iyong mga lugar na gusto naming puntahan noon.

Nakasalubong ko nga rin si Leon, e. Kasama niya iyong bagong girlfriend niya. Hindi ko alam kung gano'n pa rin ba siya pero nginitian ko nalang siya at saka umalis.

Parang kailan lang si Leon pa ang karelasyon ko.

Hindi ko alam kung bakit noong si Leon ang nag loko sa'kin parang wala lang iyon. Parang hindi siya big deal sa'kin. Pero ngayon...

Agad kong tinanggal iyon sa isip ko. Dapat unti unti na akong gumagawa ng paraan para makalimutan siya. Bukas na ang uwi ko sa maynila at sa lunes na ang simula ng klase namin.

Noong nakaraan pa ako minemessage ni Louisa na umuwi na ako dahil mamimili pa kami. Galit na galit nga iyon noong umalis ako ng maynila ng hindi manlang nagpapaalam sa kaniya kaya naman pinangako ko sa kaniya na uuwi na ako bukas para makapamili na kami sa susunod na araw.

"Daph..." Si papa. Pumasok siya sa loob ng kuwarto ko dahil nakabukas naman iyon.

Nagaayos na ako ngayon ng mga gamit ko.

"Hmmm?" Sagot ko sa kaniya. Nakaupo ako ngayon sa kama ko kaya naman hinayaan ko rin siyang umupo roon.

Kahit na nasa mga damit ko ang titig ng mata ko, kita ko sa gilid nito na nakatingin si Daddy sa'kin kaya namn ibinigay ko sa kaniya ang buong atensyon ko.

Nakatingin siya sa'kin na para bang sinusuri ako. "I know it's hard." Nakangiti niyang sabi.

I creased my brows to gave him a wonder look.

"I know you, daphne Reign. You're such a strong girl. But I know... Deep in your heart you're still hoping you can do it. But.. let me tell you, it's okey to feel weak especially if it's because of the people you value and love."

Ngumiti ako. I bow my head and bit my lower lip.

He really knows me.

"Thank you, daddy." Simple kong sabi.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now