CHAPTER 15

45 1 0
                                    

Kanina pa ako nag aantay dito sa condo.

Onti na lang ang oras na natitira dahil kailangan ko ng pumuntang AU pero hindi pa narating si Clyde.

Akala ko ay malelate lang siya ng kaunti pero wala pa rin akong natatanggap na text na papunta na siya.

Nang pumasok ako kahapon sa room ay nakita ko siya siya sa puwesto niya. Sobrang seryoso pa rin ng mukha niya. Ibang iba sa mga ekspresyon na palagi kong nakikita.

Hindi naman ako makalapit sa kaniya dahil ayaw ko na may masabi na kung ano ang mga kaklase ko.

Buti nalang at hindi rin naman masyadong nagtanong si Paul sa mga nangyari. Binalik niya lang sa'kin 'yong notes ko sabay tanong kung bakit hindi na ako bumalik.

Sinabi ko nalang na may pinagusapan lang kaming importante ni Clyde.

Nang napansin ko na oras na para umalis sa condo ay inisip ko kung itetext ko ba si Clyde. Baka kasi late lang talaga siya, pero darating siya mamaya. Pero umuwi lang din ako sa pagdidesisyon na 'wag nalang.

Magtetext naman siguro siya kung talagang pupunta siya. Baka may kailangan lang siyang gawin ngayon kaya hindi siya makakapunta.

"Andito na si Daphne!" rinig kong sigaw ni Louisa habang hinihila si Krisha nang tuluyan na akong makarating sa AU.

Agad namang hinanap ng mga mata ko ang upuan ni Clyde.

Andito na pala siya.

Saktong pag tingin ko sa kaniya ay nakatingin din pala siya sa'kin. Ngingiti na sana ako pero agad niyang iniwas ang mga ito sabay talikod sa akin.

Galit ba siya?

"Bakit na late ka ng kaunti?" Tanong ni Krisha.

"Ahh.. may kinailangan lang akong asikasuhin, wala pa naman si prof. 'di ba?" Sagot ko.

Kahit na kausap ko sila, ang mga mata ko ay nasa direksyon ni Clyde. Hindi ako mapakali kapag may taong may sama ng loob sa'kin.

Hindi ako gano'n kalapit sa maraming tao. Piling pili lang 'yong mga tao sa buhay ko. Kaya naman ginagawa ko talaga ang lahat para hindi masira 'yon.

"Wala pa naman," sagot ni louisa. "Ay, ayan na," aniya ng biglang pumasok na si ma'am dala ang mga gamit niya.

Agad niya itong pinatong sa lamesa at nagsimula sa lesson niya para ngayong araw.

Paglipas ng ilang minutong pag tingin ko sa prof namin na nagtituro sa harap, pakiramdam ko ay nasa kabilang mundo ako. Naririnig ko ang lahat ng sinasabi niya pero hindi ko 'to maintindihan. Para akong nakikinig sa tao na hindi ko alam ang lenggwahe.

Masyado kasi yata akong nagiisip ng kung ano-ano...

Nang sumapit na ang break time, Hindi namin na kasama si Louisa dahil hindi namin siya naging kaklase sa last subject bago mag break. Siguro ay iba ang kasama niya. Sa laki rin kasi nitong AU, parang napakaimposibleng magtagpo ng taong hindi naguusap kung saan magkikita.

Si Krisha naman, nagpaalam na pupunta na siya ng library. No'ng una ay ayaw niya pa akong iwan dito sa cafeteria dahil wala si Louisa. Pero kahit na gustuhin ko naman na samahan ako ni Krisha rito, kapag nakikita ko 'yong mga antok na antok niyang mga mata, nakokonsensya ako.

Kaya ko namang mag-isa. Kakain lang ako rito. Kung matapos ako ng maaga ay pupuntahan ko nalang si Krisha sa Library at magbabasa nalang ako ng kung ano.

"So, here you are again Ms. Future Bueno," rinig kong boses sa harap ko.

It's Nate and Miguel.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now