CHAPTER 45

18 1 0
                                    

Ilang buwan muli ang lumipas, mas lalo akong naging busy sa mga ginagawa.

Marami na akong mga nagiging kaibigan dahil sa pagkapanalo ko sa pageant. Marami ang nakakilala sa'kin at minsa'y lumalapit para makipag kaibigan.

May maganda rin palang naitulong ang pag sali ko ro'n. Napapansin ko kasi na habang tumatagal parang rumurunong na ako sa pakikisalamuha sa iba.

"Ito, para sa'yo talaga 'to, daph," nahihiyang sabi ni Rolly. Freshmen siya rito sa AU. Palagi niya akong inaabutan ng cheesecake kapag break time namin.

"Salamat." Ngiti kong sabi sa kaniya.

Pag tapos no'n ay agad naman siyang aalis at hindi na makikipagusap pa.

"Napaka consistent mag bigay ng cheesecake niyang si Rolly." Natatawang sabi ni Louisa. "Hindi ka ba nagsasawa?"

I chuckled. Noong una kasing mga binibigay niya, kinakain ko ang mga iyon. Pero.. habang tumatagal, nagsasawa na nga ako at hindi ko na kayang kainin pa. Kaya naman inuuwi ko nalang ang mga iyon at nilalagay sa ref. At ngayong puno na iyon ng mga cheesecake na binibigay ni Rolly, siguro'y ibibigay ko nalang 'to sa iba.

"Gusto mo?" Abot ko kay Louisa.

Agad kumunot ang noo niya. "Hindi 'no. Sa'yo binigay 'yan. Baka mamaya abangan ako no'n kasi ako kumain ng cheesecake na binigay sa'yo."

"Ang OA mo naman! Medyo sawa na kasi ako. Tsaka halos puro cheesecake na ang laman ng ref ko kaya baka gusto mo. Sa'yo nalang."

"Bigay mo kay Anthony pag balik. Ayon, sure ako hindi tatanggi 'yon."

Nag cr si Anthony at Paul ngayon kaya kami ni Louisa ang natira rito sa lamesa.

Sa ilang buwan na lumipas, si Paul, Anthony at Louisa ang palagi kong nakakasama tuwing break. May mga oras naman na wala si Louisa at Anthony kaya naman kami lang ni Paul ang nag kakasama.

Medyo naging malapit na nga rin ako kay Paul at hindi ko napapansin na nagiging komportable na ako na nandiyan siya.

"Bar mamaya?" Pag yayaya ni Anthony.

Nasa condo ko kami ngayon. Nag grogroup study kami para sa quiz bukas.

"Oo nga. Nakaka stress mag aral ng mag aral." Si Louisa.

Umiling ako at magsasalita na talaga ng pag tutol ko sa gusto nilang mangyari ng biglang magsalita si Paul.

"Tara?" Tanong niya sa akin.

Nag taka ako. Gusto niya? "May quiz tayo bukas! Pati ba naman ikaw Paul?"

Louisa chuckled. "Tao lang din naman 'yang isang 'yan 'no. Nakakastress kaya mag aral."

I rolled my eyes.

"Kahit hindi ka mag aral, Daph alam namin na papasa ka. Ikaw nga nangunguna sa klase natin, e." Si Anthony.

"Tsaka mamaya pa naman tayo mag babar, pag tapos ng shift mo sa coffee shop." Dagdag ni Louisa. "Bakit naman kasi napasok ka pa ro'n, pinapadalhan ka naman ng daddy mo?"

"Oo na may pera naman kami. Pero hindi kami katulad niyo na kahit mag hagis ng pera, ayos lang."

"Ang OA!"Agad na kumento ni Louisa. "Aantayin ka nga namin pag tapos ng shift mo. Doon nalang kami sa coffee shop mag aaral habang inaantay ka."

Sa totoo lang, hindi naman 'yong quiz bukas o ang shift ko sa coffee shop ang rason kung bakit ayaw kong sumama sa bar na 'yon. Gusto ko kasing mapag isa mamaya at ienjoy ang pagiging mag isa ko.

Pero.. gaya ng palaging nangyayari, wala akong nagagawa kundi ang sumama sa kanila. Siguro'y ayos na rin ito para mapractice ko ang pakikisama ko sa iba.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now