Kabanata 62

0 1 0
                                    

Natapos ang araw naming iyon ng wala akong sinasabi kay Clyde. I just don't know what to say.

Hindi niya rin ako tinanong pang muli tungkol do'n.

Alam naman ata niya na naguguluhan pa rin ako.

O baka iniisip niya na hindi ko na siya gusto?

Hindi ko rin kasi maintindihan 'yong nararamdaman ko.

Ilang araw na ang nakalipas pero hindi na napunta si Clyde rito sa resto. I know that he said that he want me to have space, but until when?

"May inaantay ka ba ma'am?" Tanong ni Rolly ng pasimple akong tumitingin sa labas.

Noong nakaraang araw ay si Sunny ang nakapansin sa akin na tingin ng tingin sa pinto. Ngayon si Rolly naman.

Masyado na yatang okopado ng utak ko si Clyde.

"Wa-wala. Tinitignan ko lang kung marami pa bang customer para matansa natin kung gaano karami pa ang kailangan lutauin." Pagsisinungaling ko.

Buti nalang at naniwala namam si Rolly sa sinabi kong iyon.

Lumipas muli ang mga araw pero wala pa rin akong nakikitang Clyde na dumadalaw sa resto.

Hanggang kailan ba iyong space na sinasabi niya?

Araw-araw na akong napasok dito sa resto para lang maabutan ko siya pero wala.

I didn't notice my hand is holding my phone. They are ready to tap the call button and call Clyde.

I said that I don't want to look desperate pero sa ginagawa kong ito, parang mas malala pa ako kesa sa salitang desperada.

"Bakit kaya hindi na napunta si sir Clyde?" Narinig kong chismisan sa labas.

Si Sunny at Carla iyon. Wala pa yatang customer kaya may time pa sila na magchismisan sa isa't isa.

Sasawayin ko na sana sila dahil nasa trabaho sila pero nang marinig ko ang isinagot ni Sunny at biglang nagtigil ang paa ko at hindi ko napigilan na makiusyoso.

"Balita ko kasi ro'n sa ilan kong mga kaibigan na nagtratrabaho ro'n sa kumpaniya nila, napromote raw ang kumpaniya nila sa Europe kaya kinailangan puntahan iyon. Hindi naman daw trabaho iyon ni sir Clyde pero siya raw ang nagprisinta na pumunta ro'n."

Rinig ko ang pagkagulat sa boses ni Carla dahil sa mga narinig. Kahit ako ay gano'n rin.

Europe?

Ang galing niya namang mag paasa.

Pag tapos niyang sabihin sa akin na mahal niya pa rin ako, pupunta siya ng Europe?

"Kaya pala hindi na natin siya nakikita rito sa resto. Sa bagay, CEO siya kaya siguro busy iyon. Noong mga nakaraang buwan nga ay nagtataka ako bakit araw-araw siyang nandito, e," sagot ni Carla.

Nagpatuloy sila sa pag uusap tungkol kay Clyde. Sinabi nilang may pagkamasiyahin daw si Clyde base sa mga kaibigan nilang nagtratrabaho ro'n. Madalas daw na siya ang nagbabayad ng mga kinakain ng mga empliyado at mabilis daw makaintindi kapag may mga problema. Nakikinig din daw ito sa mga suggestions ng iba.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now