CHAPTER 19

43 1 0
                                    


"Nag text na si Krisha sa akin! Finally!" Sigaw na sabi sa akin ni Louisa.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Pinaplano na sana namin ang pagpunta sa address ni Krisha.

"Totoo? Anong sabi?" Agad kong tanong kay Louisa.

Buti nalang at nagparamdam na siya. Mababaliw na siguro ako kakaisip ng mga bagay bagay kung hanggang ngayon hindi pa rin siya nagparamdam.

Exam na bukas, 'no.

"'Wag daw natin siyang punatahan. Papasok daw siya bukas. Hindi lang daw siya pumasok nitong nakaraang araw kasi tinatamad daw siya. Gusto niya raw matulog ng straight," pagbasa ni Louisa sa harap ko ng mga sinabi ni Krisha.

Loko 'yong isang 'yon.

Hindi pumasok ng 3 days para lang matulog?

Tinignan ko 'yong phone ko para tignan kung may reply din pa siya sa mga message ko.

Kaso.... Wala.

Bakit sa'kin wala manlang update?

Bahala na. Ang mahalaga, papasok siya bukas.

Exam namin kaya kailangan niya talagang pumasok.

"Buti nalang talaga at papasok na siya bukas. Malakas talaga ang tama ng isang 'yon. Napaka ganda ng rason, e 'no?" Sarcastic na tanong sa akin ni Louisa.

Tumawa lang ako ng bahagya.

Nakakatulong din talaga na nandiyan si Louisa.

May mga oras na hindi ko napapansin nangingiti na ako.

"Matagal na 'yang baliw. Ewan ko nga at bakit sa'yo nagreply siya, sakin wala manlang kahit isa."

Tumawa si Louisa. "'wag ka ng magtampo daph! Bawian natin 'yang si Krisha pagtapos na pagtapos ng midterm."

Maraming nagsasabi na nakagawian na raw rito sa AU ang magpahinga ng isang linggo pagtapos ng Midterm. Madalas daw na wala ng pumapasok na teacher kapag gano'n kaya marami rin sa nga estudyante ang hindi na muna pumapasok at pinipiling mag bakasiyon o magpahinga.

"Anong balak mong gawin?" Tanong sa'kin ni Louisa.

Nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang baba at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Nag aantay siya ng isasagot ko sa kaniya.

Alam ko na may sinasabi si Clyde na plano sa akin. Pero hindi ko naman sigurado kung matutuloy o totoo ba ang mga 'yon.

Kaya naman nagkibit balikat ako.

Agad kong nakita ang pagkadismayado sa mukha ni Louisa.

"May part time ako kaya sa condo nalang siguro ako mamamalagi. Mag aadvance reading nalang siguro ako kapag nabored ako," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

Dahil sa part time ko, hindi ko rin naman sigurado kung kakayanin ko ba gumala gaya ng mga gusto nilang gawin.

Well, pwede ko namang sabihan 'yong may ari ng coffee shop para magleave kung gugustuhin ko, at hayaan na sustentuhan nalang ako ng mga magulang ko.

Pero, dahil gusto kong matutong mabuhay ng mag-isa, kailangan kong humindi.

"Ang boring!" Pag kumento ni Louisa.
"Hindi ka manlang ba niyayaya ni Clyde na pumunta sa beach, ganiyan?"

Agad akong umirap.

"Bakit kay Clyde na naman napunta 'to?"

"Well, Niyaya lang naman ako ni Raz na pumunta ng boracay," aniya habang hinahawak hawakan ang gilid ng buhok niya.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now