CHAPTER 4

58 1 0
                                    

Gumising ako ng alas sais ng umaga kanina kasi alas diyes ang klase namin.

Sinabi ng ilan kong mga kaklase kahapon, ngayon na raw talaga ang start ng paglelecture ng mga prof namin. Kaya naman natulog ako ng maaga kagabi para maaga rin magising ngayong araw. Gusto ko rin na magkaroon ng sapat ng tulog para hindi pa lutang lutang ang isip ko habang nagtuturo iyong mga teacher namin.

"Krish! Ano ba," pangungulit ko kay krisha ng makita na nalalaglag na ang leeg niya sa sobrang antok. Ano ba ang ginagawa ng isang 'to tuwing gabi at bakit mukhang antok na antok siya?

"A-ah I'm sorry," She grinned before she fixed her self.

"Unang linggo pa lang mukhang pagod na pagod ka na," pangaasar ko sa kaniya

She pouted and turn her head in our prof who are busy lecturing in the front.

Hindi ko na siya pinansin pagkatapos no'n dahil na busy na ako sa pagtatake note at pakikinig.

When our break time came, Krisha are still with her blank expression. Pumunta kami sa cafeteria pero ang sabi ni Krisha magmamadali lang siyang kumain dahil gusto niyang pumunta ng Library para matulog.

Gan'to ba talaga siya pag pumapasok dito?

Kahapon hindi maman siya gan'to. Pero in fairness, kahit na gan'to ang ekspresyon niya ngayong araw, naperfect niya pa rin iyong mga pre quiz namin kanina. Iba talaga ang talino nito.

Mayroon din naman akong ibang mga kaklase noon na katulad niya pero nakakasagot lang sila. Hindi nakakaperfect katulad ni Krisha kaya mas humanga talaga ako sa kaniya.

Akala ko pa nga kanina, manghihingi siya ng sagot, e.

"Punta muna ako sa library Daph. Daanan mo nalang ako do'n kapag tapos na 'yong break time," signal na sabi sa akin ni Krisha bago siya tuluyang pumunta sa direksyon ng Library.

Kaya naman naiwan kami ngayon ni Louisa dito aa cafeteria. Isa siya sa mga kaklase namin sa minor subject.

"May mga pagkakataon na gano'n talaga si Krisha," She said before giving me a brief laugh.

Cute siya. Medyo may pagka friendly rin. Hindi naman ako papayag na magsama kaming dalawa kung hindi siya friendly. Siguro nabulok nalang kaming dalawa rito kung hindi na nga ako palasalita kapag bago ang kasama, tapos siya gano'n din.

"Matagal ko ng kaibigan si Krish
Pero, siguro ngayon lang talaga uli iyong time na nagkasama uli kami ng halos araw araw kaya naninibago ako," I said while giving her a diminutive smile.

"By the way, Sa'n ka nag nang 1st year? Parang hindi kita nakikita dito nakaraang year," She curiously asked.

"Sa province."

Nagpatuloy pa iyong paguusap namin ni Louisa sa ibang bagay hanggang sa matapos kaming kumain. Five minutes din before matapos ang break time namin, pinuntahan ko na si Krisha na tulog na tulog pa rin sa library.

"For this activity, you will do this as a group. So, Yes. You'll going to have a groupings that consists of five memb..." Hindi na natapos sa pagsasalita ang prof namin dahil nagkagulo na ang mga kaklase ko sa pagbuo ng kaniya kaniya nilang mga grupo.

"Grupo tayo Krisha! Daphne!" Sabi ni Louisa pagkalapit saamin. "Gusto niyo ng lalaki? Hahanap ba ako?"

Umikot ang mga mata ko sa paligid na nagkakagulo pa rin. Iyong iba naman may mga nabuo ng grupo kaya naman nanahimik na.

"Puwede ba akong makigrupo?" Napaangat ang mga ulo naming tatlo nang may marinig na salita mula sa kung saan.

"Oo sige Clyde!" Louisa Immediately answered.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now