CHAPTER 22

37 1 0
                                    

Alam kong dapat nakinig muna ako sa mga rason ni Clyde. Pero hindi ko na yata kakayanin.

Hindi ko alam kung makakahinga pa ba ako sa sobrang galit na lumabas mula sa'kin. Gusto kong bakit niya 'to ginawa sa'kin. Gusto kong malaman ang rason.

Pero tama lang yata siguro na kusang umalis ang mga paa ko sa sitwasyon na 'yon.

Hindi ko alam pero sa palagay ko'y isang oras ang inilagi ko sa loob ng cubicle.

Marami akong narinig na mga usap usapan.

Mayro'n daw nahulihan ng red note.

Kahit na walang pangalan sa usapan nila, alam kong ako 'yon.

Pero, hindi ako nakaramdam ng kahit na anong sakit. Siguro'y dahil gulong gulo pa rin ang isip ko sa mga nangyayari.

Lalabas na sana ako ng comfort room dahil naalala kong kailangan ko palang pumunta ng faculty room.

Kailangan kong patunayan na wala akong kasalanan. Hindi ko alam kung paano napunta sa bag ko 'yong papel na 'yon.

"Daph!" Pag tawag sa'kin ni Krisha nang tuluyan na akong makalabas ng cubicle.

Inaantay niya ba ako?

Tumingin ako sa kaniya. Kitang kita ko ang pag-aalala at medyo pagkalito.

Nagtataka rin siguro siya kung bakit ako may gano'n.

Kilala ako ni Krisha.

Kahit kailan alam niyang hindi ko magagawa 'yon.

Tumulo muli ang mga luha sa mata ko.

Niyakap niya ako at sinimulang hagudin ang likod ko.

Ito ang kailangan ko.

Kailangan ko ng taong maniniwala at magtitiwala sa'kin.

"You know that I can't do that right?" Tanong ko sa kaniya.

Tumango siya kaagad bilang sagot sa tanong ko.

"I don't know what happened," nanginginig na sabi ko sakaniya. Nakatingin lang siya sa'kin bago simulang hawakan ang mga kamay ko. "I know that I never mention to you and Louisa about Clyde, but he's the only one I seen with that red note. He's the only suspect I can think right now."

Agad na napanganga ang bibig ni Krisha. Siguro'y sa pagkagulat.

Kahit kailan, hindi ako nag kuwento sa kanila tungkol sa pag punta ni Clyde sa condo ko.

Iniiwasan ko na kutyain nila ako kaya naman, kahit kailan hindi ko 'yon pinanggit sa kanila. Pero sana.. mas nagtiwala nalang ako sa kanila kaysa kay Clyde.

"I understand that. Please relax yourself daph. Prof is looking for you.
Go there first and let's talk about that when you're done. Okey?"

Dahan dahan akong tumango.

Alam ko na wala akong kasalanan. Dapat hindi ako umiiyak. Dapat hindi ako kinakabahan.

Pero... sa tingin ko hindi dahil sa red note kaya ako nasasaktan.

Nasasaktan ako dahil pinagkatiwalaan ko si Clyde. Nagtiwala ako na kahit papaano tinuring na niya akong kaibigan.

Nang makarating ako sa faculty room, nakatingin ang mga mata ng mga prof sa'kin.

Wala akong ibang kayang gawin kundi ang tumingin sa sahig at hawakan ang mga kamay ko.

Nagtanong sila sa'kin kung sa'n ko nakuha ang red note na 'yon.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now