CHAPTER 14

44 1 0
                                    


Unknown number:
Good morning : )

Bumuo ng pagtataka ang mukha ko. Pag gising ko kanina ay agad akong nag ayos dahil baka mag text na si Clyde na papunta na siya.

Gano'n na ang naging routine ko pag gising ko sa umaga. Hindi ko muna tinitingnan ang phone ko dahil sa pagmamadali kaya naman nag taka ako ng may makita akong unknown number na nag text.

Sana naman nagpakilala muna siya bago bumati 'di ba?

Hindi ko pinansin iyong nag text. Hindi ako mahilig makipag usap sa mga text na hindi ko naman alam kung sino. Mahirap na! Baka bogus o ano. Imbis na nanahimik lang ang buhay ko, nagkaro'n pa ako ng problema.

Nang mapansin ko ang pag tingin sa akin ni Bella at Rocky ay agad ko ng nalaman kung ano ang kailangan nila.

Kumuha ako ng pagkain nila at nilagyan ko na ang kainan nila.

Grabe, parang kailan lang. Dahil siguro sa kaabalahan ko sa pagtratrabaho, pag-aaral at kung ano pa man ay hindi ko na namamalayan ang pag laki nila.

Minsan, kapag bigla nalang napasok sa isipan ko na hindi tumatagal ang buhay nila gaya ng mga tao, nalulungkot nalang ako at hindi ko namamalayan na tumutulo na ang luha ko.

Alam ko na para sa ibang tao, walamg halaga ang presensya nila, pero para sa iba na katulad ko, alam ko na mayro'n talagang kakaibang puwesto ang mga hayop sa puso nila.

Sana dumami pa ang katulad namin. Siguro kung gano'n, mas maraming mga hayop ang maisasalba at hindi na makakaranaa ng sapilitang pagpatay.

Pag tapos kong pakainin ang mga pusa, nagvibrate ang phone ko dahil sa bagong dating na minsahe. Akala ko ay si Clyde iyon pero nagkamali ako...

Unknown Number:
This is Paul, Daph. I don't know if you already seen my message earlier but I'm sorry I didn't introduce my self first.

Ahh... Si Paul pala iyong kaninang nag text. Buti nalang at nagtext siya uli, dahil kahit na kulitin pa ako ng isang 'to ng kung ano-anong mga mensahe, kung hindi ko naman siya kilala, hindi ko talaga babalakin na magreply.

Me:
I'm sorry too. I'm not really used replying to some text that I don't know who is. By the way, Good morning.

Hindi ko alam kung anong dahilan ni Paul kung bakit siya nag text, pero alam ko na may dahilan 'to kaya naman nag reply na ako no'ng sabihin niya na siya 'yong nagtext kanina.

Sinave ko na rin 'yong number niya para naman hindi na ako manghula sa susunod kung sino man iyong mag tetext.

Paul:
I don't know if I disturbed you, but juts let me know if I am.

Me:
Hindi naman, Sa'n mo nga pala nakuha 'tong number ko?

Kakaunti lang naman kas ang kilala ko sa loob ng room. Ilan lang din sa kanila ang nakaka alam ng number ko dahil hindi naman ako mahilig mag bigay ng number kung hindi naman mahalaga.

Siguro sila Louisa, Krisha at Clyde lang ang nakaka alam ng number ko sa loob ng room. The rest, mga taga probinsya na.

Paul:
Sa Leader ng Class beadle natin. Mayro'n kasi siyang kopya ng lahat ng list para sa mga information ng buong class natin. I'm sorry if I didn't ask for your permission. Hindi na kasi kita naabutan kahapon bago ka umuwi.

Me:
Ahhh, It's okey. Alam ko naman na may dahilan ka kung bakit mo ako minessage.

Nang mapansin ko na bumibilis na ang oras ay inayos ko na 'yong mga gamit ko.

Pag lipas ng ilang minuto ay narinig ko ang pagkatok sa pinto ng condo ko.

Ang alam ko wala pang message si Clyde kaya nakakapagtaka kung sino 'yong kumakatok.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now