CHAPTER 7

51 1 0
                                    

My phone vibrated because of the text arrived.

Unkown Number:
I'll be there in 10 minutes.

Noong una'y nagtataka ako kung kanino nanggaling ang text na ito. Pero ng maalala ko na ibinigay ko nga pala kay Clyde iyong number ko kagabi, napagtanto ko na siya ito.

Agad kong sinave ang number niya sa phone ko para kung sa susunod na magtetext siya, hindi na ako manghuhula kung sino.

Tama nga si Clyde, after 10 minutes nandito na siya sa condo ko. Pagkarating niya pa lang ay ginagawa na niya ang palagi niyang ginagawa.

Nakikipag laro siya sa kila rocky and bella tapos kapag ilang minuto na ang lumipas, aalis na kami dahil kailangan ng pumasok.

Habang hinahayaan ko siyang makipaglaro, I sat down at the table.

I made a mental computation on how much money I'll be needed para sa buwan na ito. Nagsisimula na kasing maubos iyong mga pinamili ko noon pang mga nakaraang linggo.

Tiningnan ko rin kung may pagkain pa ba sila Bella.

Narinig ko ang kaluskos galing kay Clyde. Papunta sa akin ang direksyon niya.

"What do you need?" I asked ng makitang huminto siya sa harap ko.

"I will buy some things for Bella and Rocky. Dadalhin ko rito bukas. Please list it down," sabi niya. Napansin niya siguro na ayon iyong iniisip ko.

"Huh? I am the one who will buy Bella's things. She's my pet," taka kong sambit sa kaniya.

Bumuntong hininga siya sa mga sinabi ko. "Hindi ko siya inaagaw Daph. I am just being kind here."

I shrugged. "That's not my point. I am just saying na hindi mo responsibilidad si Bella dahil akin siya."

"I just want to help you. Nakikita kita kung paano magtrabaho at mag aral buong araw. Isipin mo nalang na ginagawa ko 'to bilang bayad sa mga kinakain ko rito at kung hindi ka pa rin komporatable, sabihin mo lang at  araw-araw na akong kakain dito," pagpupumilit niya.

May mga pagkakataon na rito siya nakain sa condo ko. Palagi niya akong binobola na masarap ang luto ko at hindi siya magsasawa na kainin ang mga iyon.

Noong nasa province pa ako, nakagawian ko na talaga na magluto kapag nabobored ako sa loob ng bahay. Sa tingin ko ay nakatulong din iyong mga iyon sa pagtira ko rito ngayon sa maynila mag-isa.

Pero kung mayroon namang time na tinatamad ako kumilos o gumalaw, umoorder nalang ako online. Pero dahil sinusubukan ko na disiplinahin ang sarili ko at kailangan ko magtipid para sa pang araw araw ko, mas pinipili ko nalang na magluto rito sa loob ng condo. Malaki ang matitipid ko.

"Fine. Do what ever you want," I said, finally giving in.

Naupo siya sa bakanteng upuan sa harapan ko.

"Malapit na mag 10 o'clock. Tara na?" Pagyayaya ni Clyde.

Sinabay ako ni Clyde sa pag pasok sa AU. Kahit naman hindi ko talaga gusto dahil kaya ko naman magbook ng masasakyan atsaka ayaw kong mapagtripan ng mga tropa niya, napilit niya pa rin ako. Sinabi niya na wala pa raw iyong mga tropa niya roon dahil mayroong kinailangan asikasuhin at napagisipan ko rin na malaki ang matitipid ko kung ibababa ko ang pride ko at sasabay nalang sa kaniya papasok sa School.

"See? They're not here," pagturo ni Clyde sa labas ng bintana niya ng makarating na kami sa entrance ng school.

Hindi ko na siya pinansin pa at bumaba na sa sasakyan niya.

Buti naman at wala iyong mga mokong na iyon. Ayaw kong kulitin na naman nila ako at sabihin na isa ako sa mga chiks nitong si Clyde.

Hindi ko nga alam bakit sinasabi nila na machiks ito pero wala naman akong nakikita.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now