CHAPTER 26

37 1 0
                                    

Simula noong mangyari 'yong isa sa mga pangyayaring hindi ko makakalimutan, hindi na tumigil ang mga usap usapan tungkol sa'kin.

Buti nalang at nandiyan palgi si Clyde para ipaalala sa'kin na 'wag ko ng pansinin ang mga 'yon.

Siya na rin 'yong lagi kong nakakasama tuwing pagpasok sa AU. Sinasabayan niya rin ako tuwing break time at maging sa pag hatid sa'kin sa coffee shop.

Hindi na kasi ako pinansin ni Louisa. Tuwing tumitingin at ngumingiti ako sa kaniya, agad niyang nilalayo ang tingin niya sa'kin.

Wala naman siyang sinasabi na kahit na ano, pero alam ko na kung ano ang rason ng pag layo niya.

Gusto ko man magpaliwanag at ikwento ang lahat sa kaniya, sarado na ang isip niya. Tuwing palapit pa lang ako ay agad siyang lumalayo. Kaya naman hindi nagtagal, nanatili nalang ako at tinigil na ang pag gawa ng paraan para makausap siya.

Pero ngayon... Nagulat nalang ako at lumapit siya sa lamesa kung nasa'n kami ni Clyde ngayon.

I bite my lips as I see her in front of us. Parang may gusto siyang sabihin pero parang may kung anong pumipigil sa kaniya sa pagbuka ng mga bunganga niya.

"Hi," munti kong pagbati sa kaniya.

Tumingin ako sa paligid para tingnan kung wala na bang bakanteng lamesa kaya siya lumapit dito.

Pero... Maraming bakante. Kaya ibig sabihin, may pakay talaga siya kaya lumapit siya rito.

Tiningnan ko si Clyde na biglang tumayo mula sa upuan niya.

Tiningnan ko siya na para bang nagtatanong kung bakit siya tumayo.

"Thanks Clyde," pagpapasalamat ni Louisa sa ginawa ni Clyde.

Nakakunot ang mga nuo ko dahil sa pagtataka pero pinilit kong ngumiti pa rin dahil gusto kong makita ni Louisa na masaya akong nandito siya sa harap ko ngayon.

Nang makalayo na si Clyde sa aming dalawa, dahan dahang umupo si Louisa sa upuang pinanggalingan ni Clyde.

Nakatingin sa ibaba ang mga mata niya. Nakatingin 'yon sa mga kamay niyang magkasaklop.

Humugot ako ng malalim na hininga.

Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya kaya naman bigla akong napaayos ng upo at naaligaga sa kung anong gagawin.

"O-okey ka lang ba?" Nauutal na tanong ko.

"I'm sorry, daph," Nagpatuloy lang siya sa pagiyak

May problema ba siya?

"Why?" Taka kong tanong.

"I don't know what's the true story. Sorry I didn't trust you."

Lumapit ako sa kaniya para hawakan ang likod niya.

Medyo hindi na maayos ang pagsasalita niya dahil sa iyak na nilalabas niya.

"Please calm down," sabi ko sa kaniya.

"No," muli niyang pag iyak. "I hate myself for doubting you. I should be the one whose with you throughout that moments. But where am I?"

Maraming tao rito. Iyong iba ay nakukuha na ang atensyon pero dahil maraming iba ang may kaniya kaniyang mga pinagkakaabalahan, hindi naman kami napagtutumpukan.

"I understand you, Louisa. You don't know the truth that's why you act that way," mahina kong sabi sa kaniya.

"I should have listen when you are trying to talk to me, but instead, I'm there, listening to Frizy. They are spreading wrong information! They manipulate my mind because they know that I really hate cheaters," Medyo pagalit na ang tono ng mga salita niya.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now