CHAPTER 8

51 1 0
                                    

Pumasok ako sa trabaho ko kahapon ng balisa. Hindi ko alam kung paano ko haharapin iyong mga nalaman ko.

I am also confused why I am feeling this way. Bakit sobrang apektado ko?

Maybe I am being so sentimal because I am alone almost all my life. Today that I used to be with Clyde every day, I discovered the feeling of having a person beside me again.

Palagi naman nandyan si Bella para sa akin,pero siguro, iba talaga kapag tao.

I removed all the things that is making me uneasy.

I recieved a text from Clyde saying he is on the way here in my condo.

Hindi ako dapat mag pahalata. Wala naman akong dapat itago. I am just confused.

Maaaring nakakaramdam ako ng ganito dahil naging malapit na kami sa isa't isa at naging kaibigan na ang turing ko sa kaniya.

Oo tama!

Gano'n 'yun.

Pinakain ko muna sila Rocky at Bella habang inaantay ang pagdating ni Clyde. I want to relaxed my self.

Inisip ko rin iyong nalalapit naming exam. Mukhang kakailanganin ko nang maglaan ng oras para mag aral ngayong lumilipas na ang panahon.

I want to pass. Kahit na hindi pinakamataas, basta maka pasa. Iyon lang din naman ang laging sinasabi sa akin nila Daddy at Mommy.

They are already proud in everything that I accomplished. Nakita na nila kung paano ko hinarap ang lahat ng problema noong naghiwalay silang dalawa, tama na daw na dahilan iyon para maging proud sila.

Maraming mga bata ang minsan napapariwara dahil naaapektuhan sila sa paghihiwalay ng mga magulang nila. Ayaw kong mangyari sa akin iyon kaya pinilit kong initindihin iyong mga dahilan nila.

Buti nalang at sinasabi rin nila sa akin ang mga dapat kong malaman. They didn't treat me like a baby. They know that I need those explanation.

Hindi ko rin naman tuluyang maiintindihan iyong paghihiwalay nila kung itatago nila sa akin ang mga dahilan.

Napatalon ang buong kalamnan ko ng marinig ko na tumunog ang pintuan ng condo ko.

Huminga ako ng malalim at binuksan na ito.

He's wearing a facemask again.

Dapat na siguro siyang magpakunsulta para makakuha siya  ng gamot para naman hindi nalang siya palaging nagfefacemask.

"What with that face?" Natatawa niyang tanong.

"What? Why?" Agad ko namang hawak sa mga mukha ko.

Tumakbo rin ako sa salamin na malapit doon.

Wala namang kung ano.

"Wala. I just feel something weird pagka kita ko palang sa'yo ngayon," He said. Tinanggal niya ang backpack niya. Nilapag niya ito sa couch at dumiretso agad kanila Rocky at Bella.

Naramdaman niya ba na may gumugulo sa isipan ko?

Pero paano?

"Get the cat food in my bag please," pagutos niya.

Nakabili na yata siya ng cat food na ipinagpupumilit niya kahapon.

Agad ko namang binuksan iyong bag niya. Kinuha ko roon ang cat food na pinamili niya.

Ang dami. Parang pang isang buwan na nila Bella at Rocky ito.

Habang kinukuha ko iyon ay napansin ko ang mga mata niya na nakatingin saakin.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now