CHAPTER 32

19 1 0
                                    

Nag text si Clyde sa'kin kanina na hindi niya raw ako masusundo sa cofee shop. Bigla raw nag message sa kaniya ang parents niya na magkakaroon sila ng salo salo.

Gusto niya sana akong isama pero sinabi kong 'wag na dahil may shift pa ako at saka malelate siya sa dinner nila kung aantayin niya pa akong matapos.

Habang nanunuod ako ng palabas sa Tv, nakita ko ang pagilaw ng Cellphone ko. May tumatawag kaya agad ko itong kinuha at hininaan ang volume ng pinapanuod ko.

Si Daddy pala.

"How are you?" Paunang salita niya.

Napangiti ako sa pagkakarinig ng boses niya. I miss him. "I'm okey dad. How about you?"

I heard him chuckled. "Still breathing."

"Dad!" Saway ko sa kaniya.

Palagi niya akong inaasar ng mga ganito. Noong huli siyang tumawag sa'kin ay sinabi niya na medyo hindi gumaganda ang lagay niya. Nagpapasalamat talaga ako at sinasabi niya sa akin kung ano ang kundisyon niya.

"That's just a joke hija," pagpapaliwanag niya habang tumatawa.

"Hay nako daddy! Hindi talaga kita bibigyan ng apo," pag sakay ko sa mga asar niya.

Nitong mga nakaraang araw, palagi niya akong kinukulit na bigyan ko na siya ng apo at ibigay ko nalang sa kaniya para makapag patuloy ako sa pag-aaral ko.

Akala yata ng tatay ko gano'n kadali umiri ng bata. At isa pa, hindi niya nga alam na may boyfriend na ako.

"Huwag mo akong inaasar ng ganiyan Daphne Reign! Kung ako lang ang masusunod ipapakasal na kita rito sa anak ng kumpare ko."

Tawa ako ng tawa sa mga sinabi niya.

Matagal na niyang nirereto sa'kin 'yong anak ng kumapre niyang 'yon. Buti nalang talaga at wala ako sa probinsya dahil alam kong hindi talaga titigil ang tatay kong ito na hindi ako ipakilala sa kung sino man 'yon.

Pero, hindi naman niya ako pinipilit kapag ayaw ko. Hindi katulad noong iba kong mga pinsan na tinatakwil ng mga tita ko kapag hindi sumusunod sa gusto nila.

Ayaw lang siguro ni Daddy mangyari sa'kin kung ano ang nangyari sa kanila ni Mommy.

Their merraige is fixed but they still tried to make it possible. But, I know that if it is not meant to happen, it'll not going to work.

I see how Daddy and Tita love each other, as well as Mommy and tito.

I'm happy for them.

"Stop dad! I will introduce to you my boyfriend soon," natural kong sabi sa kaniya kahit na alam kong magugulat siya sa sinabi ko.

I never mention to him about me and Clyde. Palaging sinasabi sa'kin ni Clyde na ayos lang sa kaniya kung kailan ko sasabihin kila mommy at daddy ang tungkol sa amin.

Sinabi niya rin sa'kin nasabi na niya sa mga magulang niya kung anong meron kami pero hindi ko naman natanong kung ano ang reaksyon nila tungkol doon. Siguro aalamin ko nalang ng personal kapag nagkita na kami. Palagi kasing nauudlot ang pag punta ko sa kanila kapag minsang pinaplano namin ni Clyde na dumaan doon.

"What did you said Daphne Reign Villamar?" Medyo pasigaw na tanong ni Daddy.

I chuckled because of his tone. I take a deep breath before answering him. "I have a boyfriend right now. I'm sorry I didn't say it to you right away but don't worry, once our summer break start, I'll bring him there. I promise!"

I heard his sigh at the other line. I know that he is shock about it but later on after our conversation, he asked me again to give him apo.

Hindi ko kung matatawa ba ako o makakaramdam ng kilabot sa katawan.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now