CHAPTER 48

17 1 0
                                    

Nag patuloy ang grand opening ng resto ko. Habang lumilipas ang oras, parami ng parami ang mga dumarating na mga kakilala at iyong iba naman ay mga customer na gustong sumali sa pag diriwang.

"Ma'am Anne!" Maligaya kong tawag sa dati kong amo. Siya ang boss namin sa coffee shop na pinagpapartiman ko noon kasama si Mitch.

Agad siyang ngumiti ng tuluyan na akong makalapit at yakapin siya ng bahagya. "Grabe! Nagkatotoo nga ang dati ko pang iniisip na mararating mo."

I chuckled because of the compliment. "Maraming salamat po sa lahat, ma'am. Hindi lang po sa pag bigay ng trabaho. Pati rin po sa mga tulong niyo."

Naalala ko noong hindi ako nakapasok ng matagal sa coffee shop noon dahil sa paghihiwalay namin ni Clyde. I didn't heard anything from ma'am Anne kahit na ang sinabi ko lang sa kaniya ay may pinagdadaanan ako at hindi ko na ipinaliwanag pa iyon sa kaniya.

"Hay nako! Lahat ng nagiging impleyado namin, gano'n ang turing namin. Tsaka, magaling ka sa trabaho mo kaya wala namang dahilan para hindi ka namin tulungan."

"Kamusta na po kayo? Medyo matagal na rin simula no'ng magkita tayo." Pangangamusta ko noong mapagtanto na hindi ko man lang siya natanong kung maayos lang siya dahil hindi ko inaakala na tutugunan niya ang imbitasyon ko.

"Gano'n pa rin. Medyo namimiss ko ang bangayan niyo ni Mitch pero mayro'n naman na akong mga bagong impleyado." Maligaya niyang sagot.

"Kahit po kami ni Mitch miss na rin pong pumasok sa coffee shop."

"Nagkakausap pa rin kayo ni Mitch?" Takang tanong ni ma'am Anne.

Agad akong tumango bilang sagot. "Opo. Madalas po kaming magkasama nitong mga nakaraang araw dahil nagkakakayayaan. Nag tratrabaho na po siya ngayon sa isang kumpaniya. Nakalimutan ko lang tanungin kung saan."

Tumango tango si Ma'am Anne.

Masaya ako na parang naging reunion na rin itong grand opening ng resto ko dahil may mga nakikita akong mga dating tao sa buhay ko.

Inimbitahan ko rin si Miguel at Nate dahil sabi ni Louisa baka isama niya si Waylon. Pero base sa mga kuwento ng iba masyado raw maraming ginagawa ang mga iyon kaya hindi ako sigurado kung talagang makakarating sila.

Nakita ko sa karamihan ng tao ang iba pang mga kakilala namin nila Louisa sa bar na pinupuntahan namin kaya naman pinuntahan ko rin sila para pasalamatan sa pag punta.

"Ibang iba ang awra mo ngayon, ah!" Si Louisa. Kasama niya sa gilid niya si Waylon pero tahimik lang ito habang tumitingin sa paligid.

"Congrats, daph." Maikling bati sa'kin ni Waylon. Gaya ng dati, parang walang emosyon palagi ang mukha niya tuwing nakikipag usap. Pero kitang kita ko ang pagbabago sa pangangatawan at awra niya. Parang mas naging misteryoso siya ngayong lumipas na taon. Minsan ko naman siyang nababalitaan kay Louisa pero bihira ko lang talaga siyang makita.

Ngumiti ako sa kaniya bilang pasasalamat. "Minsan lang 'to!" Sagot ko kay Louisa na kanina pa sinisipat ang suot ko.

"Si Mitch medyo malelate raw yata pero sila Paul parating na."

"Bakit malelate si Mitch?" Taka kong tanong.

"May kailangan daw tapusin sa trabaho. Pero 'wag ka mag-alala nagtetext naman siya."

"Ah, gano'n ba.. si Nate at Miguel pala?" Tanong ko kay Waylon.

Bahagyang kumunot ang noo ni Louisa. Wala yata siyang alam na inimbitahan ko ang dalawa.

"They're busy and I think Migs is out of town but I-" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Waylon dahil tinawag ako ni Sunny dahil may naghahanap daw sa'kin.

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now