Kabanata 58

8 1 0
                                    

Medyo maayos ang pag daloy ng buong buwan. Mas lalong dumami ang mga kumukuha sa resto namin para magserve sa mga celebration dahil sa nangyaring pag kuha sa amin ni Tita Luz. Ang ibang mga customer ay nagsasabi na kaibigan daw sila ni Tita Luz o 'di naman sinuggest daw kami ni tita Luz.

Nakakataba ng puso ang mag nangyayari sa akin. Minabuti ko rin na dalasan pa ang pag punta sa resto dahil baka kakailanganin ako nila Rolly do'n.

"Ma'am, sino po 'yong kausap ni Sir Clyde?" Tanong sa akin ni Dan sabay turo kay Clyde na nandito na naman pala sa resto.

Tinignan ko ang puwesto niya at medyo nagulat ako ng makitang kasama niya si Drixy sa lamesang iyon.

Hindi gaya noong nakita ko siya sa mall noon, mas malaki na ngayon ang tiyan ni Drixy.

I rolled my eyes. Sinusundo na siguro si Clyde ng asawa niya dahil parang hindi na kumpaniya ang tinatrabaho nito.

"Dapat kasi tinatali mo 'yang asawa mo sa leeg mo para hindi nagpapakalat kalat dito." Sabi ko sa sarili nang makitang lumabas silang pareho sa resto.

Medyo iritado parehas ang mukha nila pero imbis na alamin pa 'yon, pinagsa walang bahala ko nalang iyon.

"I don't know. Maybe his wife." Sagot ko kay Dan sabay alis sa harap niya para pumasok na uli sa loob at tulungan si Rolly.

Mabuti nalang at isang linggong walang pasok sila Rolly dahil kakatapos lang ng midterm nila kaya hindi na niya kinailangang umalis pag patak ng alas sinco. Mabilis kaming natapos sa pag luluto kaya naman nag pahinga na ako kinagabihan.

Kinabukasan no'n, medyo late na akong nakapasok sa resto dahil kinailangan ko pang dumaan sa vet para kamustahin sila Bella at Rocky.

"Ma'am, mag nag hahanap daw po sa inyo sa labas," bungad sa akin ni Sunny kakapasok ko pa lang sa loob ng kusina.

Nag taka ako ro'n kaya kinunutan ko siya ng noo, pero inisip ko nalang na isa iyon sa mga kaibigan ni Tita luz na magpapaschedule rin ng catering sa isang celebratation.

"Sino raw?" Tanong ko pero hindi na ako nag antay ng sagot dahil nag lakad na ako papunta sa labas.

Tinuro ni Sunny ang babae hind kalayuan. Nakatalikod iyon sa akin pero mukhang may hula na ako kung sino ba iyon.

Mabagal akong nag lakad. Sa bawat pag hakbang kong iyon mas lumalakas ang kutob ko na si Drixy iyon.

At nang tuluyan na akong makalapit, hindi nga ako nag kamali. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Drixy. Kumakain siya ng mabagal habang ang isang kilay ay nakataas nang tumingin siya sa akin.

Ibinalik ko sa kaniya ang pag taas ng kilay. I gave him a questionable look why she call for me.

"Kamusta?" Nakangiti niyang tanong, pero alam kong walang totoo sa lahat ng pinapakita niya.

Noon pa man, simula noong ipakilala siya ni Louisa sa amin bilang kaibigan niya, wala na siyang matinong ipinakita.

Amoy na amoy mo ang kaplastikan niya kahit na ang kapal ng maskara na naka takip sa mukha niya. Kaya nga noong malaman kong si Drixy ang ipinalit sa akin ni Clyde, hindi na ako nag taka.

Drixy's good at manipulating people. Alam ni Clyde ang tingkol doon dahil nakita at narinig niya kung paano manipulahin ni Drixy si Louisa noong may issueng lumabas tungkol sa akin.

Pero ano? Clyde still manipulated. Hindi ko alam kung bobo ba talaga siya o tanga.

"What do you need?" Kalmado kong tanong.

She chuckled. "Umupo ka muna." Tinuro niya ang upuan na nasa harap niya.

I looked at her face. Maganda naman si Drixy kaya hindi ko alam kung ano ang rason niya sa mga katarantaduhan na ginagawa niya.

Until Our Path Cross AgainOnde as histórias ganham vida. Descobre agora