Kabanata 65

6 1 0
                                    

"I love you, Daph." Bulong ni Clyde sa akin habang nakahiga ako sa sofa.

Medyo pagod ako ngayong araw dahil sa dami ng ginawa ko sa resto. Nagplaplano kasi kami ni Clyde na mag dagdag ng mga street foods sa menu ng resto. Sa tingin ko'y magandang ideya 'yon dahil isa rin naman iyon sa mga kinahihiligan ng mga pinoy.

Sinundo ako ni Clyde kanina dahil balak naming icelebrate ang birthday ni Bella kahit wala na siya. Nakaidlip lang ako ng sandali dahil ang sabi niya'y kukuhain niya lang sa baba ang inorder niyang cakes. Hindi ko alam na nakaidlip pala ako sa kakaantay sa kaniya pero nagising naman ako kaagad nang marinig kong bumakas ang pinto at pumasok siya. Sinadya ko lang talaga na hindi muna bumangon dahil gusto ko munang ipahinga ang utak ko.

I didn't expect him to whisper me something so I didn't help myself but to smile.

"Gising ka pala." Gulat niyang sabi.

Tumawa ako sa reaksyon niya. "I love you too, Clyde."

He smirked as I let myself sit on the couch. Dahan dahan din siyang umupo ro'n at niyakap ako.

I closed my eyes as I felt his skin. It feels so relaxing. After a lot of years, now is the day that I felt being home again.

Sa tagal ng panahon, akala ko'y nakalimutan ko na ang pakiramdam na ito, pero hindi. Natutulog lang pala sila sa loob ko at nagaantay na gisingin muli.

"Nandiyan na ba 'yong cake?" Tanong ko sa kaniya pagkalipas ng ilang minuto.

Nakatingin lang ako sa ceiling ng condo ni Clyde at dinadama ang yakap naming dalawa.

"Yes. I also run in the mall to print some tarpholin of Bella."

My eyes widened. Agad akong tumingin sa kaniya. "Did you, what?" Pag uli ko sa kaniya kahit narinig ko naman na iyon. "Hindi naman na kailangan, Clyde."

But it really touched me. Hindi kasama sa plano namin na gumawa ng gano'n pero ngayong naisip niya iyon, hindi ko maiwasang hindi maiyak.

Pag dating talaga sa mga pusang alaga ko, I can't help myself be emotional. Tinuturing ko na rin silang anak kaya kahit ang simpleng pagpapagawa ni Clyde ng tarpholin ni Bella, naiiyak ako.

"Why?" Nagaalala niyang tanong nang pilitin kong 'wag palabasin ang luha ko pero tinraydor pa rin ako.

Mabilis kong pinunasan ang mga iyon at niyakap siya. "Thank you."

He chuckled. "So emotional, of you."

I didn't help but to chuckled also.

Ilang minuto kaming nag ayos ni Clyde para sa gagawin naming celebration para sa birthday ni Bella. Hindi ko alam na naparami pala ang mga iyon kaya naman nagaalala ako kung paano namin iyon mauubos. Nag dala kasi ako ng nga pag kain galing sa resto tapos hindi ko alam na may mga binili rin pala si Clyde.

Dalawa lang kaming nag ayos ng buong condo ni Clyde. Medyo hindi bumagay ang mga dikorasyon namin na pink dahil sa itim at puting theme ng unit niya. Malaki ang unit na ito. Ibang iba sa mga condo na tinutuluyan ko. Pero, hindi na ako nag taka. Ikaw ba naman, CEO? siyempre mas gugustuhin mo na ang malaki 'no.

Matagal na raw si Clyde na tumitira rito. Noon pa man ay kaniya na 'to pero hindi niya ginugustong tumira dahil gusto niyang sa bahay pa rin nila kahit na wala naman do'n ang mga magulang niya. Pero ngayong siya na ang namamahala sa kumpaniya nila, mas ginugusto nalang niya na mapagisa at tahimik dahil marami siyang mga binabasa at isinasaayos.

"pero punta ng punta sa resto noon para ro'n gumawa ng mga kailangan niyang gawin," bulong ko sa sarili noong ikwento sa akin iyon ni Clyde.

Hindi nag tagal ang pag aayos namin, nailapag na namin ang lahat ng mga pagkain sa mahabang mesa. Medyo nakakalula ang haba no'n at punong puno pa ng pagkain dahil dalawa lang kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until Our Path Cross AgainWhere stories live. Discover now