Kabanata 3

10.4K 235 17
                                    

Kung babalikan ko ang lahat, napakasimple lamang naman talaga ng buhay ko. Nagmahal, nagtiwala, nagsakripisyo, ngunit sa huli, nadurog lang. Masyado akong nabulag upang hindi mapansin ang lahat ng posibilidad na baka nga, hindi ako ganoon kamulat sa mundo.

Napaniwala ako ng pantasya na pagdating sa huli ay magiging masaya ang lahat; na katulad ng isang prinsesa na iniingatan ng kaniyang prinsipe, iingatin din ako at hindi hahayaang mabasag.

Isang pagkakamali. Isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Ano'ng mabigat na kasalanan ang ginawa ko para parusahan ako nang ganito?

Isang pagkakamali lamang, ngunit sa isang pagkakamali na iyon. . .ang lahat ay nasira.

"Sinclaire Consuelo!" Nakuha ng pulis ang aking atensiyon mula sa loob ng rehas kung nasaan ako. "May dalaw ka."

Inalis ko ang mga braso na nakaunan sa aking batok at bumangon sa higaan. Binuksan ng pulis ang pintuan bago nilagyan ng posas ang aking mga kamay. Napahugot ako nang malalim na hininga nang tuluyan akong nakalabas.

Ilang sandali pa nang nakarating kami sa visitation room. Sandali akong natigilan nang napansin ang pamilyar na bulto ng lalaki na nakasuot ng purong itim; nakaupo sa bangko sa harapan ng lamesa at naghihintay sa pagdating ko.

Nagsimula akong maglakad papalapit dito kaya't nakuha ko ang kaniyang atensiyon. Isang ngisi ang kumurba sa kaniyang labi.

"Have you already decided?" tanong niya nang nakaupo ako sa katapat na upuan. Nanataling blangko ang aking ekspresyon habang nakatingin sa kaniya.

"Walang magbabago sa desisyon ko," malamig kong saad sa kaniya.

Tumawa siya nang pagak. "Oh, come on, Sin." Dumukwang siya papalapit sa akin at bumulong, "you can't stay here for too long. Malapit ka nang maglimang taon dito. Gusto mo pa bang dagdagan? I'm giving you a good offer here. Sasayangin mo lamang ang buhay mo rito sa kulungan kung patuloy mo akong tatanggihan."

Hindi ako sumagot at nanatiling tikom lang ang bibig, dahil kahit ano pa'ng sabihin niya, walang magbabago sa desisyon ko na hindi tanggapin ang kaniyang alok. Masyadong hindi kapani-paniwala na kaya niya akong ilabas dito nang hindi niya ako hinihingan ng kapalit.

"How about I help you get revenge on your ex-boyfriend? Kung tatanggapin mo ang alok ko na ilabas ka rito, makukuha mo ang lahat ng gusto mo." Mariin kong isinarado ang aking bibig; hindi binibigyan ng pansin ang alok niya. "Don't you want to fulfill the dreams of your late grandmother?"

Lumunok ako sa tanong niya at mariin siyang tinitigan.

"Hindi mo ako kayang paikutin, Vroxx. Alam kong may kapalit sakaling tanggapin ko ang alok mo."

Kumawala ang mahinang halakhak sa kaniyang bibig. "Wise, Sinclaire. Of course, there will be a consequence, but don't worry. You'll benefit from it."

Kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Just accept my offer, and I can give you the life that you're wishing to have, Sin. Lilinisin ko ang pangalan mo. We'll make them pay for what they did to you, don't you want that?"

"Ano'ng mapapala mo sa ginagawa mo?" Ni hindi ko siya lubusang kilala.

Ang tanging natatandaan ko ay isa siyang estranghero na madalas umaligid sa akin sa tuwing papasok at lalabas ako ng eskuwelahan noon. Sa madaling salita, may itinatago siyang motibo sa akin na hindi ko mawari. At ngayong nasa kulungan na ako at wala ng iba pa ang gustong magmalasakit, siya ang biglaang sumulpot at nag-alok na ilalabas niya ako sa lugar na ito.

Taon-taon siyang bumabalik dito para roon, nagbabakasakaling tatanggapin ko ang alok niya, ngunit paulit-ulit lang akong tumatanggi.

"As I said, there'll be a consequence, but you'll be able to benefit from it."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now