Kabanata 36

9.3K 204 23
                                    

"You're doing good, Miss Consuelo, so I'm hoping that we can get along sometimes?"

Ngumiti ako kay Dra. Ledesma bago ako nito ginawaran ng isang yakap. "Thank you, Dra. Ledesma. I'm hoping for that too."

She's a psychiatrist and a fine woman in her 40s. I never thought that after almost six months of being here in Siargao, I would need someone's assistance for my mental condition. Kung hindi pa ako pinilit ni Hamilton ay baka hanggang ngayon ay lugmok pa rin ang isip ko sa kung saan. It was my last session today with Dra. Ledesma, and I can say that she really is a big help for me to get back in shape. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ko kung mas pinairal ko ang tigas ng aking ulo at paulit-ulit na kumbinsihin ang sarili na maayos lang ako at kaya ko ang aking sarili.

But I couldn't lie to myself; I needed someone's professional help, and now I've made it.

Matapos ng huli kong session kay Dra. Ledesma ay kaagad na akong naghanap ng masasakyan patungo sa ekswelahan kung saan nagtuturo si Hamilton. Pagkababa ko pa lamang sa tricyle ay kaagad na pinayad ng dapit-hapong hangin ang hanggang balikat ko na lamang na buhok. Napayakap ako sa aking sarili sa kabila ng suot kong itim na pantalon at three-fourths na puting button top.

Nasa bungad na ako ng tarangkahan ng eskwelahan nang makarinig ako ng isang tili.

"Papa, bilisan mo! Nandito siya!"

Lumawak ang ngiti sa aking labi nang namataan ko ang batang si Franchisca na mabilis na tumatakbo patungo sa aking direksiyon. Sa kaniyang likuran naman ay ang pagsulpot ng isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakasuot ng isang gray na pulo at itim na slacks. Gulat ang namayani sa kaniyang mukha nang makita ako, ngunit mabilis din iyong napalitan ng ngiti. Itinaas ko ang aking kamay at kumuway kay Hamilton na siya namang pagsalubong sa akin ng yakap ni Franchisca sa aking baywang.

"Hi, Tita Sinclaire!"

"Hi! Kumusta ang klase? Nag-aral ka bang mabuti?" malawak ang ngiti na tanong ko sa kaniya. Franchisca is a grade one student at the age of six. Anak siya ni Hamilton, pero ayon kay Hamilton ay mas nakuha nito ang hitsura ng ina kaya't hindi niya ito masyadong kahawig.

"Oo naman po! Yayayain ka nga po pala ni Papa na kumain ng dinner. Okay lamang po ba?"

"Chesca," saway ni Hamilton na ikinatawa ko nang mahina. "Sin, napadalaw ka yata rito?" tanong niya sa akin.

Inakay ko ang kamay ni Franchisca bago kami nagsimulang maglakad sa gilid ng kalsada; pinaggitnaan namin ni Hamilton ang kaniyang anak.

"Ah, natapos ko na kasi iyong huling session ko kay Dra. Ledesma." Lumingon ako sa kaniya. "Salamat, Hamilton."

Matamis niya akong nginitan at tumango sa akin. "Walang anuman. Natutuwa akong maayos ka na ngayon."

Tumango ako pabalik nang kagatin niya ang pang-ibabang labi na tila may gusto siyang sabihin, ngunit may kung ano'ng pumipigil sa kaniya.

"Papa, h'wag ka nang mahiya. Akitin mo na si Tita Sinclaire sa bahay para roon na kumain."

Parehas kaming tumawa sa tinuran ni Franchisca hanggang sa muli akong tiningnan ni Hamilton. Napakamot pa siya sa kaniyang batok na tila nahihiya. "Puwede ba?" may pag-aalilanlangan niyang tanong. "Pero kung may gagawin ka—"

"Okay lang," mabilis kong sagot na ikinalaki ng dalawa niyang mata.

"T-Talaga?"

Dahan-dahan akong tumango para kumpirmahin na pumapayag ako sa alok niya. At saka wala naman akong gagawin ngayong araw dahil day-off ko rin ngayon sa trabaho.

Napakurap-kurap si Hamilton bago nag-iwas ng tingin. "Mabuti kung gano'n. May bagay rin kasi akong gustong i-discuss sa 'yo na baka interesado ka."

May pagtataka sa sinabi niya, tumango na lamang ako bago kami pumarada ng masasakyan patungo sa kanilang bahay. Kabababa pa lamanng namin nang sinalubong kami ng nanay ni Hamilton na si Tita Haliya.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant