Kabanata 17

7.8K 178 27
                                    

Ilang beses akong napahinga nang malalim habang pinapanood ko ang pagbaba ng numero ng elevator patungo sa floor na bababaan ko. Kaagad akong naging alerto nang tumunog iyon. Bumungad sa akin ang financial department.

Humakbang ako palabas at sinipat ang oras sa aking relo. 9 p.m. Alas syete dapat ako lalabas, ngunit sinadya kong magpagabi ngayon sa isang kadahilanan.

Tinahak ko ang daan patungo sa lugar kung saan ako dinala ni Vince noong minsan. Patay na ang mga ilaw sa ilang pasilyo. Bukas ang iba, ngunit may ilan akong mga janitress at janitor na nakita at abala sa paglalampaso ng sahig.

Papaliko na ako sa isang pasilyo nang may babae akong biglang nakasulubong. Napaatras ako sa gulat.

"Oh, ikaw iyong secretray ni Sir Hedius, 'di ba?" tanong nito, mistulang nagulat din sa biglaan kong pagsulpot sa floor ng departmento nila.

"Ako nga."

Malawak itong ngumiti sa akin. "May kailangan ka ba? Halos umuwi na kasi lahat ng mga empleyado. May iilang naiwan, iyong mga napiling mag-over time."

Mariin kong isinarado ang aking bibig, naghahanap ng puwedeng sabihin sa kaniya. Bakit nga ba ako nandito? Kung sasabihin ko na kailangan kong matiyagan ang Internal Auditor nila, paniguradong hindi pa sumisikat ang araw kinabukasan ay napatalsik na ako rito.

"Uh. . .si Vince. Si Vince ang sadya ko."

"Oh! Si Vince! Nandoon pa siya, pero nagliligpit na noong pag-alis ko, baka paalis na rin. Puntahan mo ro'n."

Tipid ko iyong ginawaran ng ngiti bago ako tuluyang pinasok ang pintuan. Medyo madilim na sa loob nang pumasok ako. Nakapatay na rin ang ilang mga ilaw, lalo na ang mga cubicle na wala ng mga tao. Tahimik man, ngunit may kaunting mga kaluskos pa rin akong naririnig sa paligid.
  
Inilibot ko ang tingin hanggang sa huminto ang mga mata ko sa empty cubicle ni Lizzie. Madilim doon, kaya sa wari ko ay wala ng gumagamit. Hahakbang na sana ako patungo roon nang mapahinto ako matapos mapansin ang isang babae na may suot ng maliit na salamin, pula ang lens, sa may sulok ng kaniyang cubicle at nakatingin sa direksiyon ko.

Mabilis akong umayos ng tayo at napakurap-kurap. Muntik ko nang makalimutan, kailangan ko palang mag-ingat sa mga mata ng mga empleyado na nandito.

"Sin?"

Bigla akong napaharap sa aking kanan kung saan ko nasalubong ang lukot sa noo ni Vince, nagtatakang nakatingin sa akin.

Tumikhim ako. "H-Hi! Uh. . .gusto ko lamang kumpirmahin kung. . .tapos ka na sa trabaho mo?"

Bumaba ang tingin ko sa gray niyang bag na nakasabit sa kaniyang balikat. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Balot pa rin siya ng pagtataka hanggang umusbong ang ngiti sa kaniyang labi.

"Katatapos ko lamang, bakit? Hindi mo naman sinabi na balak mo pala akong puntahan dito." May halong pang-aasar at tuwa ang kaniyang tuno. Hilaw akong ngumiiti bago napagdesisyunan na muling ilibot ang paningin sa paligid.

Nasa sa kaliwang sulok ang cubicle ni Lizzie, at sa taas niyon kalapit ng kisame ay ang CCTV. Inilipat ko ang mga mata sa gitna ng pader at may isang CCTV din akong nakita, sa kanang sulok, sa gitnang kasunod, sa isa pang sulok, sa gitna muli, at ang pang-apat na sulok ay may kaniya-kaniyang CCTV na nakakabit.

Inalala ko ang posisyon ng CCTV sa pasilyo bago ako nakarating sa malawak na silid na ito. Sa kanang pasilyo ay mayroon pagkalabas sa elevator; isa pang CCTV sa may unahan ng panibagong pasilyo pagkaliko.

"Gusto mong ihatid na kita pauwi?"

Bumalik ang tingin ko kay Vince dahil sa tanong niya. Sandali akong binalot ng katahimikan nang nagkatitigan kaming dalawa.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now