Wakas

16.5K 377 61
                                    

"Aalis ka na naman? Ano, pupuntahan mo na naman ang babaeng 'yon?"

I glance at the door when my mother enters my office. Her gritting teeth and heavy breathing shows that she's furious knowing that I'm going to leave again to visit Sinclaire in Siargao. Graduation niya ngayon kaya't hindi puwedeng wala ako.

Napabuga ako ng hangin bago ko niligpit ang mga papeles na nagkalat sa aking lamesa. "'Ma, please. I don't want to argue. I'm tired."

Pagak siyang tumawa. Humalukipkip siya at hindi ako makapaniwalang tiningnan. "Pagod? Pero may plano ka pang pumunta ng ibang lugar para lamang sa babaeng 'yon? Ano ba'ng pinakain niya sa 'yo at nagawa mo pang balikan ang babaeng 'yon? Ha, Hayes?"

I fixe the tie that I'm wearing. "'Ma, wala siyang ginagawang masama. It was not her who hacked the COST's security, at mas lalong hindi siya ang nagnakaw ng shares ng COST."

"Sinungaling ang babaeng 'yon, Hayes! Hindi mo ba naiintindihan? Paano kung ginagamit ka lamang niya nang dahil sa pera?"

Hinilot ko ang aking sentido. Hindi ko na alam kung paano ko pa ba kukumbinsihin si Mama na walang ginagawang masama si Sinclaire dahil palaging sarado ang isip niya sa tuwing ginagawa ko iyon. I want her to at least support me; kahit hindi niya tanggap si Sin para sa akin, ang mahalaga suportahan niya ako, pero hindi. She's always like this even after years she found out that Sin is my wife; that I married her.

"'Ma," lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang tigkabila niyang balikat, "mahal ko si Sin, and you can do nothing about it. And for that I am sorry."

I sense the mixtures of worries and disappointment in her eyes. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito na lamang niya kamuhian si Sin. It's not just about the things that Sin's did in our lives, but her worries towards me. Magmula nang mawala si Leandro, ako na lamang ang naiwan sa kanila ni Papa. I love my mother so much that it feels hell seeing how she mourned when Leandro died. I don't mean to hurt her worrying about me towards my relationship with Sin, pero isa lamang naman ang hinihiling ko: ang suporta nila.

"Hayes, a-ayaw ko lamang naman na maulit ang nangyari sa kapatid mo. Paano kung dahil sa kaniya, ikaw naman ang mawala? Hayes, hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay mawala sa amin ng papa mo."

Mapait akong ngumiti bago siya niyakap at hinalikan sa ulo. "It's been years, and nothing happened, 'Ma. I'll be fine. Just please, trust me on this. Itataguyod ko ang kompanya, pero sana suportahan n'yo ako. I love Sin so much. Sa kaniya ako masaya."

My mother is not getting younger anymore, and so as my father. When my father transferred the Chief Executive Officer's position in my name two years ago, I had thought that it was not just because I was their only son that was eligible to take the position, that was why they'd chosen me, but because they did trust me that I could handle our empire. Hindi madali, pero labis ang hirap na kinaharap ng henerasyon ni Papa makatungtong lang kami sa tuktok. Kaya hindi ako gagawa ng isang bagay na muli nitong ikababagsak.

"I need to go. Baka ma-late ako sa graduation niya. I'll be back tomorrow." Hinalikan ko siya sa pisngi bago ako tumulak patungo sa pintuan.

Papalabas na ako sa lobby nang tumunog ang cellphone ko. I immediately fish it out from my pocket only to find out Sin's text messages.

Misis ko:

Nasa'n ka na? Papunta na kami sa university ni Lorraine.

"Fuck." Mabilis kong tiningnan ang relo at napamura na lamang nang makita kong isang oras na lamang ay magsisimula na ang program. Shit! Hindi ko namalayan ang oras! And the travel is damn two hours!

Mabilis akong nagtipa ng reply bago tumakbo sa parking lot para magtungo sa airport.

Ako:

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now