Kabanata 15

8.6K 183 32
                                    

"Ikaw ha! Pumunta pala kayo sa Baguio ni Attorney, ni hindi ka man lang nagkukuwento! Kung hindi pa ako nagtatanong-tanong hindi ko pa malalaman!" Hinampas ako sa braso ni Mabby. Muntik ko na tuloy mabitawan ang kubyertos na aking hawak dahil sa ginawa niya.

"May kinita lamang kaming client. Iyon lang," paliwanag ko, ngunit bakas sa kaniyang mukha ang galak at pang-aasar. Inilibot ko ang tingin sa paligid ng aming table rito sa restaurant at nakitang pati sina Klea, Vince, at Clark ay nasa akin ang tingin. "Ano?"

"You went out with him? For two days?" tanong ni Klea.

Lumipat ang mga mata ko kay Vince na ngayon ay may dismayadong ekspresyon. Dalawang araw na ang nakalilipas matapos naming makabalik dito sa Maynila. Binigyan ako ng dalawang araw na leave kaya't ngayon lang ako muling nakapasok at ito ang bumungad sa akin.

"It was Sir Hedius's order. Pinasama niya ako kaya nandoon ako kasama si Attorney."

"So what happened there? May nangyari ba? Sa'n kayo natulog? Nag-hotel kayo ni Attorney?"

Ngumiwi ako kay Mabby. Bakit ba palagi kong naiisip na iba ang takbo ng utak niya?

"Don't ask her too much, Mabby. Hindi siya komportable," singit ni Vince na ikinasimangot ni Mabby.

Tumingin ako kay Vince. Maliit siyang ngumiti sa akin kaya sinuklian ko iyon. Timing talaga ito kung minsan dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong ni Mabby. Isa pa, sa tingin ko ay hindi ko na rin naman kailangang magkuwento. There's nothing between Hayes and me. Ayaw kong isipin nila na mayroon dahil hinding-hindi iyon mangyayari lalo na at empleyado ako rito at si Hayes? He's the son of the Chief Executive Officer, at bukod pa roon. . .hindi naman ako nandito para magtrabaho talaga.

Kung alam lang nila ang totoo kong rason kung bakit ako nandito, hindi sila magtatangka na lapitan pa ako.

I can't back out now, knowing that I already began my plan the moment I went back here. Ang mga kataga ni Vroxx na ibinaon niya sa utak ko ng araw na sinundo niya ako ang nagpagising sa aking isip na kamuntikan nang mawala sa reyalidad.  

"So, you're now close with him?"

Inikot ko ang aking mata sa kawalan nang nasakay ako sa sasakyan niya. Pinaandar niya iyon.

Noong huli naming kita ay si Hayes ang pinag-awayan namin, at ngayong sinundo niya ako rito sa Baguio kahit na nakahihiya kay Hayes, ay mukhang iyon na naman ang gusto niyang argumento laban sa akin.

"We came here for business, Vroxx. Ilang beses ko bang sasabihin na kung ano man 'yang iniisip mo sa pagitan namin ni Hayes, itigil mo na," ani ko. Inunahan ko na siya dahil ayaw ko nang magtalo na naman kami.
   
"Kung gano'n, dapat tumanggi ka na sumama rito kung hindi mo gustong mag-isip ako ng kung anu-ano."

Napahinga ako nang malalim at hindi na lamang ginatungan ang kaniyang sinabi.

"O baka may hindi ka sinasabi sa 'kin?" Sa sinabi niya ay tinuluyan akong nilukob ng iritasyon. "Did something happen between you two? Don't fool me, Sin. Hindi ako tanga para hindi ko mapansin kung pa'no ka tingnan ng lalaking iyon."

Napahilamos ako sa aking mukha. "Pag-aawayan na naman ba natin 'to, Vroxx?"

Nagpakawala siya ng hangin. "I'm not here to argue with you, Sin."

Really? E ano itong ginagawa niya kung gano'n?

"I just want you to be honest with me. Don't fall for his traps. Alalahanin mo kung ano'ng ginawa ng kapatid niya sa 'yo."

Kumuyom ang kamay ko sa tinuran niya. Alam ko, hindi ko iyon nakalilimutan. 

"Napaikot ka na noon. Huwag mong hintayin na siya naman ang magpaikot sa 'yo ngayon."

The Shattered Sinister (Costillano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon