Kabanata 23

7.4K 155 20
                                    

Ilang minuto na akong nakatitig sa monitor na nasa aking harapan, ngunit ni isang salita ay wala akong mai-type. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at naisip na patayin na lamang iyon.

Ilang araw na simula noong huling pagkikita namin ni Mr. Villason; ang araw kung kailan nagsimulang magulo ang lahat. Dapat ba akong matuwa gayong alam kong ligtas ako sa mga kamay ni Mr. Villason dahil ang alam niya ay ako ang dahilan kung bakit niya malayang makukuha ang shares ng COST? O mas dapat akong mangamba dahil kahit hindi ko ginawa ang bagay na iyon, ay nasa akin pa rin ang sisi?

Kung susubukan ko naman na linisin ang pangalan ko, hindi ako palalagpasin ni Mr. Villason. Kapag nalaman niya ang totoo. Hindi niya ako hahayaan na manatili pa rito sa loob ng COST gayong alam ko ang totoo niyang pakay.

Nagpakawala ako ng hangin bago tumayo at lumabas sa opisina. Kabababa ko pa lamang sa second floor nang bigla kong makita si Vince. Lukot ang noo nito habang may kausap na isang babae. Mayamaya ay napahilamos ito sa kaniyang mukha hanggang naunang umalis ang babae. Natagpuan ako ng mga mata niya.

"Sin."

Lumapit ako patungo sa kaniya. "May problema ba?" Parang ngayon ko lamang kasi siyang nakitang ganito ka-frustrate.

"Uh, si Lizzie kasi. Tinanggal sa trabaho."

Bahagyang namilog ang mga mata ko, ngunit hindi ko ipinahalata na ako'y nagulat. Si Lizzie? Tinanggal sa trabaho?

"Nabalitaan mo naman siguro na may nakawan ng shares na nangyayari? Siya ang nasisi ni Sir Hermes lalo pa't malaki ang ginagampanan ng trabaho niya sa department."

Nanuyo ang lalamunan ko. Bakit hindi ko ito naisip? Na posible ngang matanggal siya sa trabaho dahil sa nangyari. But still, I wasn't the one who did it. Kung hindi ako, sino ang gagawa kung ganoon? Bukod sa akin at kay Mr. Villason, sino pa ba ang may ibang pakay na hindi maganda rito sa COST?

"Sino raw ang papalit sa puwesto niya?"

Mabibigat ang hininga na pinakawalan niya. "Sa ngayon wala pang nahahanap ang HR department. Kaya nga namomroblema kami."

Mariin kong isinarado ang bibig nang nabaon ako sa pag-iisip.

Kung nangyari ang nakawan ng shares kinabukasan matapos kong pagtangkaang pasukin ang security system ng COST, posible kayang matagal na rin iyong plano ng kung sino?

Inakala ni Mr. Villason na tumupad ako sa kasunduan naming dalawa. . .pero hindi niya magagawang makapagnakaw ng shares nang wala akong ibinibigay na impormasyon at proseso sa kung paano niya iyon magagawa, but he did it. Imposibleng may ibang tao na tutulong pa sa kaniya dahil matagal niya na dapat akong pinatahimik kung ganoon.

Kung ganoon, sino ang nagbigay sa kaniya ng impormasyon na inakala niyang ako?

Sa aming tatlo nina Vroxx, sino pa ba ang nakaaalam ng totoo kong pakay sa COST?

"Sin! Hindi ka sasabay ng lunch sa 'min?" si Mabby nang dumating ako sa ground floor.

Umiling ako sa kaniya. "May. . .ihahatid ako sa office ni Ha—Attorney."

Bumilog ang bibig niya at may pang-aasar na tiningnan ako. "Pansin ko na parang mas dumadalas pa ang pagpunta mo ro'n. Kayo na ba ni Attorney?"

Umikot ang mata ko sa kaniya. "Mauna na ako sa 'yo."

Mabilis ko siyang nilampasan at hindi na lamang pinansin pa ang pagtawag niya sa akin. Hangga't maaari ayaw kong magsalita sa kung ano ang tayo ng relasyon naming dalawa ni Hayes. I've talked to him about this. Na ayaw kong may makaalam sa kung ano'ng namamagitan sa aming dalawa. Noong una ay tinanong niya pa ako kung bakit.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Where stories live. Discover now