Kabanata 4

9.9K 247 34
                                    

Finally. After years...

Huminga ako nang malalim bago napagdesisyunan na pumasok sa loob ng HR department. Pinagbuksan ako ng guard bago nakarating sa mismong lobby. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Tutungo na sana ako sa may receptionist desk nang may isang babaeng lumapit sa akin; nakasuot ito ng itim na halter dress na hapit sa katawan nito; hanggang leeg ang light brown na buhok, at may malawak na ngiti sa labi.

"Let me guess, maga-apply ka rin?" tanong nito.

Hindi kaagad ako nakasagot at wala sa sariling tumango sa kaniya.

"Pareho pala tayo! Pero hindi raw rito naga-assist ng mga hiring. Doon sa katabing three-story building daw." Itinuro niya ang kaliwang bahagi. Mula sa bubog na dingding ng gusali ay natanaw ko ang three-story building na sinasabi niya. "Sekretarya ba ang a-apply-an mo?"

"Uh, kahit ano'ng posisyon, ayos lang naman." Pero iyon nga ang pinaka-main na posisyon na gusto kong pasukan, mas malapit sa Chief Executive Officer, mas maganda.

"Sabay na tayo kung gano'n. Balita ko pa naman ay si Attorney ang naga-assist!" Nakitaan ko ang paglandas ng kilig sa kaniyang ekspresyon. Sandali pa akong kumurap at tiningnan ang braso niyang biglang kumawit sa akin. "Halika na!"

"Uh—" Hindi na ako tuluyang natapos sa pagsasalita nang kinaladkad niya ako palabas sa lobby. "Attorney?"

"Iyong anak ng CEO."

Ilang segundo kong prinoseso kung sino ang tinutukoy niya. Sigurado akong hindi iyon si Leandro. Bukod sa hindi naman siya lawyer ay wala rin siya rito ngayon sa Pilipinas. Malamang ay ang nakatatanda nitong kapatid.

Napatiim bagang ako nang pinagbuksan kami ng pintuan ng guard. Ayon kay Mabby—ang babae na nasa aking gilid na nagpakilala ng kaniyang pangalan—ay nasa huling palapag ang opisina nito. Hindi nga siya nagkamali dahil pagkarating namin doon ay ang siyang haba ng pila para sa mag-a-apply ng trabaho.

"Mauna ka na," saad ko sa kaniya.

"Naku, thank you!"

Umiling ako at umupo na lamang sa ilang mga bangko na bakante roon. Wala pang limang minuto na naroon kami ay ilang mga nag-apply na kaagad ang umalis at lumabas sa may pintuan.

Sinundan ko ng tingin ang isang babaeng nanlulumo ang hitsura na dire-direstong naglakad paibaba sa hagdanan. May iba pa akong nakita na kung hindi masama ang timpla ng hitsura ay umiiyak naman.

"Nakakainis! Ang ganda naman nung mga sagot ko! Bakit hindi pa rin ako tinanggap?"

Sumilip ako sa may pintuan at nakita ang isang babaeng nagmamaktol at salubong ang kilay. Nagmartsa ito paibaba ng hagdanan.

"Nakakakaba naman. Tingin mo masungit si Attorney?" Bumaling sa akin si Mabby.

Nagkibit ako ng balikat. "Puwedeng pakibantayan ng puwesto ko? Magbabanyo lamang ako."

"Sure."

Nagpasalamat ako bago umalis sa aking upuan. Hindi ko alam kung saan ang lokasyon ng banyo kaya kinailangan ko pang magtanong sa babaeng janitress na namataan ko.

"Nasa second floor, hija. Diretsuhin mo lamang iyong pasilyo sa may kaliwa, pagkatapos makikita mo na iyong sign doon ng banyo."

Tumango ako rito. "Marami pong salamat."

Hahakbang pa lamang ako nang isa nang narinig kong tinawag niya ako, "Maga-apply ka rin ba?"

Lumingon ako rito at tumango. "Opo."

"Ay naku, si Attorney pa naman ang maga-assist. Maarte iyon pagdating sa mga ganito. Ang payo ka lamang kapag tinanong ka niya, huwag mo nang samahan ng mabubulaklak na salita. Hindi niya gusto ang mga ganoon kaya't diretsuhin mo na lamang, at syempre magpakatotoo ka," payo niya na ikinatutop ng aking bibig.

The Shattered Sinister (Costillano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon