Kabanata 9

9.1K 216 19
                                    

"Sumama ka na mamaya. Hindi ka nga sumama noong isang linggo." Patuloy akong kinulit ni Mabby.

Kapapasok ko lamang sa lobby at iyon ang bumungad sa akin. Hindi ako nakasama noong isang linggo sa pagpunta nila sa bar. Nawala kasi sa isipin ko, kaya ngayon ay nangangakit siya.

"Okay. Sasama na ako."

"Great! Sasabihin ko kay Klea."

Dumiretso na ako sa opisina pagkatapos. Bumalik na si Sir Hedius kaya't bumalik na si Hayes sa orihinal niyang opisina, bagaman nasa isipan ko pa rin ang nangyari noong gabi na iyon, lalo na't sa unang pagkakataon ay narinig kong kausap niya ang kaniyang kapatid.

"What is it, Leandro?"

Imbis na tumuloy sa paglabas ay nabato lamang ang mga paa ko sa harapan ng pintuan. Hinihintay ko ang mga susunod niyang sasabihin habang kausap ang kapatid.

"Papa's in Cagayan. Nasa mansiyon si Mama. Why? You're with Carrel?"

Napaitim-bagang ako sa narinig. Kumuyom ang aking kamao. Ang galit na pilit kong kinikimkim sa loob ko ay unti-unting sumibol. Sino'ng Carrel? Iyon ba ang isa sa mga babaeng ipinapakita sa akin noon ni Vroxx? O baka kasalukuyan niyang girlfriend? Asawa?

"This month?"

Hindi ko alam kung paano ko natitiis na tumayo sa puwesto ko, umaasa na baka may pagkakataon ako na marinig man lang ang mga sasabihin ni Leandro.

"Next month? Puwede kong kausapin si Papa kung gusto mo."

Sumulyap ako sandali kay Hayes at nakita ang paglipad ng kaniyang mata sa akin.

"I'm not after the company, Leandro. I've already built my own name. Bumalik ka rito kung gusto mong bumalik pa ang tiwala sa 'yo ni Papa."

Lumunok ako nang naramdaman ang namumuong bukol sa aking lalamunan. Babalik siya rito? Kailan? At sino si Carrel?

"Siya ang kausapin mo, hindi ako." Ibinaba niya ang tawag; ang iritasyon ay sumisibol sa kaniyang ekspresyon.

"Kapatid mo?" Mariin kong isinara ang aking bibig.

Kumunot ang noo niya sa akin. "How did you know?"

Nanlaki nang kaunti ang mga mata ko sa tanong niya, ngunit pinanatili kong kalmado ang aking ekspresyon. Hindi niya puwedeng malaman ang totoo. Kung malalaman niya na may namagitan sa amin ng kaniyang kapatid, maghihinala siya kung bakit ako nandito ngayon. Wala akong alam sa kung naaalala niya pa ba ang hitsura ko noong minsan niya akong nakita sa apat na sulok ng rehas, ngunit kung natatandaan niya nga at hindi niya ako kinukuwestiyon tungkol doon, maaaring wala iyong kaso sa kaniya.

Ano naman kung nakulong ako? Subalit ang dahilan sa likod niyon, hindi niya maaaring malaman.

"Kilala mo ang kapatid ko?"

Tumikhim ako at umiwas ng tingin sa kaniya. "Just a guess," kibit-balikat kong saad.

Tumango-tango siya bago tumayo sa kaniyang kinauupuan. Pinanood ko siyang maglakad patungo sa kaniyang swivel chair hanggang sa makaupo siya roon.

"Nasa'n nga pala ang kapatid mo?" kaswal kong tanong, kahit pa alam ko naman na ang sagot. Gusto ko lamang makakuha ng mas malawak pang impormasyon dahil hindi sapat ang mga nakalap namin ni Vroxx. "Parang hindi ko madalas makita rito."

"London. We have a few branches in Europe. Isa sa mga pinili niyang asikasuhin."

"Kailan daw siya babalik?"

Huminto siya sa pagbubuklat ng mga portfolio at nakataas ang kilay akong tiningnan. "Why do you want to know? Interesado ka sa kaniya?"

Kaagaran kong ipinilig ang ulo. Baka mamaya ay mahalata pa niya ang kagustuhan kong masagot ang tanong na iyon. "Hindi. Curious lang. Hindi naman siguro masama magtanong, 'di ba, Attorney?"

The Shattered Sinister (Costillano #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon